medyo malakas ang pagkakabagsak ni Cheska mula sa kama
maya maya pa ay ..
*tok tok tok*
nagkatinginan ang dalawang dalaga
“ouch ..” bulong ni Cheska at pilit tumayo
*tok! tok! tok!*
lumakas ang katok sa labas ng pinto nila
“Joyce, buksan mo na nga yun” sabi ni Cheska at umupo sa kama
“aray ko po ..” dagdag ng dalaga at hinimas ang balakang
binuksan ni Joyce ang pinto
“ma .. Matt?!” medyo gulat na reksyon ni Joyce
agad sumilip si Matthew sa loob ng kwarto
“what happened?!” taranta nyang tanong mula sa labas
nagkatinginan muli sila Cheska at Joyce
“ehem” galing kay Joyce at sinenyasan si Cheska na sumagot
“aaa, ano.. kasi nagkikilitian kami, nahulog ako sa kama.. naabala ka ba namin?”
“no, akala ko lang kung anong nangyari”
“sorry ah”
“bat ka nagsos-sorry sakin?”
“baka kasi naistorbo ka namin, di ba kami maingay?”
“hindi naman, ingat ka na lang sa susunod”
“sige, salamat” pilit na ngiti ni Cheska
napapangiti naman si Joyce na nanunuod lang sa dalawa
“ano, kain na pala ..” nahihiyang sabi ni Matthew
“sige, susunod na din kami” sagot naman ni Cheska
umalis na si Matthew at isinara na uli ni Joyce ang pitno
“EHEM!! kati ng lalamunan ko friend!” pang aasar ni Joyce
“may Strepsills dyan, gusto mo?” balik ni Cheska
“ay, iba kasi gamot neto friend”
“at ano naman?”
“yung totoo daw, meron ka ba nun?” sagot ni Joyce at tumawa
“sira ka talaga” sabay bato ng unan sa kaibigan
“guilty!” nakangiting pang aasar ni Joyce
“heh! halika na nga!”
“ano uli? halikan na? teka, tatawagin ko si Matt”
“baliw ka talaga!!”
“ahahaha, guiltying guilty ah?”
“ay nako! kain na nga tayo!” pikon na sabi ni Cheska at hinatak mula sa kama ang kaibigan
ayaw pa mag pahatak ni Joyce dahil naaaliw pa syang asarin ang kaibigan
“pikon! halata ka ui! wag ganyan!” sabi nito nang makitang palabas na ng kwarto si Cheska
“wag kang kakain ha? lalagyan ko ng lason pagkain mo!”
“hala, ui!” sabay habol kay Cheska
dalawang lingo pa ang dumaan
isang araw na lang at enrollment na
umuwi na din si Joyca sa bahay nila
“ma--” hanap ni Cheska sa mama nya, pero napadaan sya sa kwarto ni Matthew
“Matt? san ka pupunta?”
“ha?” baling ng atensyon nya sa dalaga
“san ka pupunta?” tanong uli ni Cheska
“uuwi na kasi ako eh” malungkot na sagot naman ni Matthew
“oo nga pala, tapos na ang summer”
“dadalaw ka padin ba dito?” tanong ng dalaga na nanlalambot at nakatayo sa labas ng kwarto ni Matthew
tumingin si Matthew kay Cheska at binigyan ito ng napakatamis na ngiti
“oo naman! alam ko namang mamimiss mo ko eh” sagot ni Matthew
“aba, at ang lakas naman ng loob mong sabihin yan! mayabang ka padin talaga”
nakangiti padin si Matthew at unti unting lumapit kay Cheska
“o, oi .. anong .. dyan ka lang!” banta ni Cheska
hindi mawala ang ngiti sa labi ni Matthew
“alam mo bang wala sila kuya Sandro at ang mama mo?”
lalong kinabahan si Cheska sa narnig
lalo ding lumayo ang dalaga habang papalapit ng papalapit si Matthew
nasa pader na si Cheska, at nahabol na din sya ni Matthew
tumingin si Cheska sa malayo dahil malapit na ang mukha ng binata sa kanya
nakangiti padin si Matthew
“gusto mo ..”
napalunok si Cheska, naririnig na nya ang kabog ng dibdib nya
nakakalokong ngiti ang nasa labi ni Matthew
“huy miss, hindi po kita ina-ano, wag kang umarte dyan na parang anlaki ng kasalanan ko”
napatingin naman si Cheska kay Matthew
“ikaw kasi eh!”
“ano?” sabay lapit ng mukha sa dalaga
“dun ka nga” tinutulak si Matthew pero hindi ito mailayo
“namumula ka na” panunukso ni Matthew
“hindi na kasi ako makahinga, kaya lumayo ka na”
“hindi makahinga sa kilig?”
“kapal mo! hindi noh, at bakit naman ako kikiligin sayo? e bakla ka naman?”
“bakla?!” medyo nainsulto si Matthew
“ako? bakla? sigurado ka dyan?” nagiba ang expression ni Matthew
“h i n d i , j o k e lang un..”
“alam mo bang walang joke saken pag tungkol sa mga ganyang bagay?”
“sorry na Matt ..”
lalong inilapit ni Matthew ang mukha nya, at lalong nataranta si Cheska
“bakla!!” walang nasabi si Cheska, talagang nataranta sya
“ah ganon?”
“sino nayon ang bakla?” tanong ni Matthew
natahimik lang si Cheska
sinong hindi magugulat sa nangyari?
walang banta, walang kahit na anong sabi ..
hinawakan ni Matthew ang mukha nya
at bigla na lang syang hinalikan nito sa labi
natulala si Cheska
saglit pa ay bigla na lang syang pumasok sa kwarto
naiwan naman si Matthew sa labas ng dalawang kwarto na nagulat sa naging reaskyon ni Cheska
“sumobra ata” bulong ng binata sa sarili
samantala ..
“eto na nga ba kinatatakutan ko eh, pano pag nagtanong na ako? ano isasagot nya?” tanong naman ni Cheska sa sarili
“Che?”
tawag ni Matthew
nagulat si Cheska sa tawag dahil natutulala sya habang nakasandag sa pinto ng kwarto
“ha? bakit?” balik hwisyo ng dalaga
“ano kasi, nasa kwarto kita” sagot ni Matthew
napatingin ang dalaga sa paligid at napansing hindi nya kwarto ang napasukan
binuksan ni Cheska ang pinto
nakayuko lang ito
“sorry ah” sabi ni Cheska
“Che --” naputol ang sinasabi ni Matthew dahil bigla na lng pumasok si Cheska sa kwarto nito
tatlong araw ang lumipas
umaga ..
“ang boring!!!” angal ni Cheska habang nakahiga ng pabaliktad sa sofa
“namimiss mo si Matt?” tanong ni Sandro
“mmm mmm” sagot ni Cheska
“hindi ka ba mag eenroll?”
napaayos ng higa si Cheska sa narinig
next chapter pls,.,.,.,.,. hehehhehehehhe
ReplyDeleteuyy next na..bitin ako..baka si matt nag sabi nang last line...
ReplyDeleteou nga, baka c matt :)
ReplyDeletenext chap po!
demanding mode :)
Next na Ate Camae baka si Matt yung nagtanong kung hindi ba siya mageenrol waaaaaah
ReplyDelete-Blae
Hello!!! I've read you past Fanfic and i'm reading this one too... ur really good.. hehe... thanks for updating regularly... next na:)
ReplyDeletegrabeh kinilig ako sa chap na toh!! nice one... next na pls....
ReplyDeleteOMG!!...nakakakileg nmn!!
ReplyDelete