Monday, December 27, 2010

Chapter 14

“wow! kelan pa?!” - Tina
“congrats!” - Cheska
“nice one Jake! paid off pare!” - Ace
“para pala sa celebration pinabuhat mo saken! sana sinabi mo na!” - Matt
“naks! pwede!” - Mike
“ayun oh!” - Tristan

tahimik lang si Joyce na nakatingin pero nakangiti sa dalawa

okay ang sakit!
bongga ah?..
pero okay na din.. masaya na sila eh..
ayoko naman maging kontrabida diba?..
hindi naman ako witch sa istorya eh..


bida din naman ako..
na naghihintay ng sariling prince charming ko..


gusto ko mang isigaw na nasasaktan ako, pero..
wala kasi akong karapatan para gawin yun..
okay na saken yung, masaya sya.. kahit hindi saken..
at least.. best friend ang turing nya saken diba?..
kahit dun lang.. masaya na ako..
talo talo na yun!


napatingin si Cheska sa kaibigan na nasa tabi nya lang
pasimple nyang hinagod ang likod nito para pagaanin ang nadarama ng dalaga


“Joyce!” tawag atensyon ni Nad sa dalaga
napatingin si Joyce sa tawag sa kanya
“oh? uy, ingatan mo yan ha!” sabay ngiti
“oo naman, iingatan ko si Jake” sabay ngiti
“okay lang ba ako sayo Joyce?” tanong ni Nad
“ha? oo naman! anong klaseng tanong yan?” sagot ni Joyce
“wala lang, baka kasi ayaw mo sakin ..”
“hindi ah! grabe ka naman ..” ngumiti uli sa kausap

“o tama na yan! kainan na!” sabi ni Ace at lumapit sa lamesa
“oo nga, andaming drama eh” dagdag ni Matt
hampas naman ang inabot ni Matt mula kay Joyce na nakasunod sa kanya

“love triangle na ito!” biglang sabi ni Tina
napatingin ang barkada sa tatlong nauna sa lamesa
“ay oo nga! ang cute naman!” dagdag ni Nad

medyo nabawasan ang mga ngiti sa labi nila Cheska at Jake sa nakita
sabay naman silang napailing at nagkatinginan, nagtawanan lang ang dalawa sa nakitang reaksyon ng isa’t isa

“kame?!” sabay sabay na nasabi ng tatlo
nagtawanan ang lahat sa tinuran ng tatlo
“wala sa isip ko yan!” sabay na sabi nila Joyce at Matthew dahilan para makantsawan silang dalawa
“okay labas na ako dyan!” saad ni Ace
“uy hindi ah, kunwari daw magseselos ka” biro ni Nad
“ayoko, sila na lang” pilit ni Ace habang sumusubo ng pizza
nagtawanan na naman silang lahat

pagkatapos kumain ay nag-uwian na sila
naglalakad silang lahat papuntang parking lot

“Chen?” tawag ni Joyce sa kaibigan
“oh?” tugon nya sa tawag
“pwede ba akong sumama sa bahay nyo?” tanong nya sa kaibigan
“ha? o sige” sagot nito

“Joyce!” tawag naman ni Matt na ikinatingin nila Joyce at Jake
“oy Matt, duma da-moves ka ata sa bespren ko ah?” makahulugang tanong ni Jake
“nu ka ba buddy, hindi noh, tsaka sasabihin ko naman sayo kung sakali eh” sabay akbay sa dalaga
nagulat silang lahat sa inakto ni Matthew

“ayan na Ace! napag iiwanan ka na, pre naku!!” kantyaw ni Mike
“ayos lang kuya! hahaha” sagot ni Ace

“bakit pala Matt?” baling ni Joyce sa binatang naka akbay sa kanya
“pupunta ka kila Chen? ako na maghahatid sayo” sagot ni Matt na narinig nilang lahat
“huwoow! ambilis mo naman Matt!” reaksyon ni Ace
“ha? naku hindi, kailangan ko lang kausapin si Joyce”

hindi man nila aminin sa mga sarili nila, dalawang tao sa grupo ang hindi mapakali sa nangyayari

bat ba ganito ako?! ano naman! buti nga sila eh! hindi iba ..” saad ng dalawa sa sarili nila, sabay tingin sa mga nobyo at nobya nila

“uhhh Matt, sunod mo agad si Joyce ha?” bilin ni Cheska bago makapasok sa kotse ni Tristan
“oo nga Matt, hatid mo agad ha?” dagdag ni Jake
“grabe, kakausapin ko lang si Joyce, para na akong dumadaan sa butas ng karayom, feeling ko magulang na nya ang mga kaharap ko, pero sige po bessy Cheska at bespren Jake, wag po kayong mag-alala, ihahatid ko po agad si Joyce Jade” sagot ni Matt sa dalawa habang nakangiti

pilit ngumiti ang dalawa at sumakasy sa mga kotse

unang umalis sa parking ang kotse ni Mike na kasama si Tina at si Ace sa sarili nyang sasakyan
sabay umalis ang mga kotse nila Jake at Tristan na kasama ang mga nobya nilang sila Cheska at Nad
huling naman sila Matthew at Joyce


sa kotse ni Matt

“Matt, anong paguusapan natin?” agad na tanong ni Joyce
“kaya mo pa ba?” tanong ni Matt
“anong ibig mong sabihin?” bawi ng dalaga
“oh come on Joyce, hindi mo na kailangang itago sakin” sagot ni Matt
“ano ba talaga gusto mong sabihin?”
“about Jake”
natahimik bigla ang dalaga

napatingin si Matt dito
laking gulat ng binata ng makitang umiiyak na ang kasama

“hala, Joyce bakit?!”
“stop the car Matt, lets go to someplace quiet first please”
“okay” sagot ni Matt at iniliko ang sasakyan

pumunta sila sa park, isang kanto mula sa kanto ng bahay nila Cheska

bumaba si Joyce na hilam ang mga mata sa luha
sumunod naman si Matt dito

“pasensya ka na ha, ikaw kasi eh, gusto mo pa akong kausapin, ayan tuloy, nakikita mo akong umiiyak” pagpapasensya ng dalaga
“okay lang Joyce, kaya mo pa ba?” muling tanong ni Matt kay Joyce
tango ang unang sagot ni Joyce, pero agad itong nagbago at umiling ang dalaga
niyakap sya ni Matt
hindi inaasahan ni Joyce ang ginawa ni Matt, hindi naman kasi sila ganun ka-close
ganun pa man, yumakap na din sya sa binata

ilang minuto ang lumipas at nahimasmasan na si Joyce

“thank you Matt ha?” pasalamat nya
“okay lang yun, teka bago ako mag tanong, sagutin mo muna ako, kaya mo pa ba?”
umiling si Joyce
“hindi ko ata kaya Matt”
“alam ko nararamdaman mo, kaya gusto kitang kausapin, kasi pareho tayo”
napatingin si Joyce sa sinabi ng binata

“what do you mean Matt? gusto mo si Nad?”
“no, no! I mean, I like her as a friend, but not romantically like .. well you get what I mean”
tumango si Joyce pero naguguluhan padin

“you know who I like, no, love” dagdag ni Matt
naintindihan na sawakas ni Joyce ang gustong iparating ni Matt
“ikaw ba, okay ka pa?” tanong ng dalaga

“fighting the feeling, but I‘m happy for her, as long as she’s happy, I’m fine with it kahit medyo bitter”
napangiti si Joyce sa narinig
“thank you again Mattt, medyo gumaan na pakiramdam ko, I get what you mean now, be happy for the one I love, kahit medyo bitter” sabi ni Joyce na nakangiti na ngayon
“yeah, so, hatid na kita sa kanila ngayon?” tanong ng binata
“tara, baka nag-aalala na sya” sagot ni Joyce

saglit lang ay dumating na sila sa bahay nila Cheska
bumaba din si Matt para ihatid si Joyce sa loob
kanina pa nakauwi si Cheska
at kanina pa ito naghihintay ..

“antagal nyo pre!” bungad ni Jake
nagulat sila Joyce at Matt sa narinig
hinatid agad ni Jake si Nad sa bahay para makabalik kila Cheska para siguraduhing makakarating agad si Joyce doon

No comments:

Post a Comment