“I swear .. if I get a chance to take her away from him, I‘ll never ever let it pass by .. someday .. someday .. when the time is right ..” bulong ni Matthew habang nakatingin kay Cheska at umalis na sa field matapos ang kanta
“Cheska, hun ..” muling umalingaw-ngaw sa buong field
“asan ba yung lalaking yun? bat di ko makita?” tanong ng dalaga sa isip habang palingon-lingon
(ang hirap i-describe ng next scene!! imagine nyo na lang .. diba kumpulan mga estudyante?.. bigla silang nag form ng daan leading to Tristan)
di mawari ng dalaga pero para syang kinukuryente ng mga panahong ‘yon
“Che” umpisa ni Tristan habang palapit sa dalaga
“sorry na hun”
“bati na tayo please?” tanong nito nang makaharap na ang dalaga
napatingin si Cheska sa mga nakapaligid sa kanila
“sige na nga ..” sabi nito na may masayang tono
nagyakap ang dalawa
palakpakan na naman ang mga estudyante
“pasensya po pala sa mga naabala namin ng klase” pahabol na sabi ni Tristan
“okay lang yun! wala kaming quiz!!”
“ayos lang, sweet naman eh .. basta in the name of love!”
“yeah! lusot sa recitation pare!”
“hangkyot!”
“sana ganyang din bf ko, bad trip yun!”
mga sagot ng ibang estudyante
“yan ang nangyari noon, kaya walang Cheska at Matthew ngayon, pero barkada padin kaming lahat .. masaya, minsan basagan .. sayang noh? akala ko dati, sila na ..”
“Matt, may gf ka ba?” tanong ni Nad
“ha? wala” sabay tingin sa baba
“hmm, weird reaction huh..”
napatingin ang binata sa tinuran ng kasama
“what do you mean?”
“e kasi, kung wala, malamang sakin ka mapapatingin .. but since yumuko ka, I‘m guessing .. ”
“may hinihintay ako”
“as I predicted ..” sagot ng dalaga
“is it okay if I ask what happened?” tanong ng dalaga
“okay lang naman ..”
“so?..”
ikinwento ni Matthew ang buong istorya, kung bakit walang Matthew at Cheska ngayon ..
“ang sad naman, friend mo din yung guy? Tristan .. no .. maybe? no, no”
“sort of ..”
“well, rival mo nga pala ..”
“ne, forget about the competition thing, ang gusto kong gawin nya pasayahin nya si Che”
“swerte naman ni Cheska .. pwede ko ba syang makilala?”
“huh?”
“I mean, can we be friends? gusto ko din naman po ng iba pang kaibigan noh ..” paliwanag ni Nad
“ah .. sure!” sabay tingin sa relo
hinatak na lang bigla ni Matthew si Nad
nagulat man, nagpahatak na din ang dalaga
“there they are” sabay turo sa tambayan ng barkada
“lapit tayo pwede?” tanong ni Nad
“tara” sagot naman ni Matthew na nakangiti
“e-ehem!” agad na papansin ni Joyce nang makita si Matthew na papalapit
nagtinginan ang lahat sa binata, at hindi napansin ang dalagang kasunod nito
pero hindi nakalampas sa paningin ni Cheska ang dalaga
“sya yun! sya yung babae kaninang tanghali” saad ni Cheska sa isip at tumingin kay Matthew na binabati ang mga kaibigan
“Matt!” tawag ni Cheska
napatingin sila sa dalaga
“andami na palang Matthew ngayon” biro nito
nagtawanan naman lahat
“sino tong magandang kasama mo?” tanong ni Cheska
napatingin muli ang mga kaibigan sa tinutukoy ni Cheska
“ay, oo nga pala ..”
ngumiti lang si Matthew, senyas na magpakilala ang dalaga sa mga kaibigan
“hi, ako nga pala si Nadeshicko Crisban, 4th year student din, I‘m a transfer student, kaso wala akong mga friends, to think na midterms na ngayon” pakilala at paliwanag ng dalaga
“hi! ako naman si Paul Jake Hynaman, you can call me ‘baby’ if you want” sabay pa-cute nito sa dalaga
batok naman ang agad nasalo nito mula kay Joyce
“hello! I’m Joyce Jade Galvez, Joyce na lang tawag mo saken, best friend ako ng mokong na to, kaya pag minulestya ka nya, isumbong mo saken ha?” nakangiting pakilala ni Joyce
agad naman syang binawian ni Jake at ginulo ang buhok nito, na pinaka ayaw nyang ginagawa sa kanya
“pasensya ka na sa dalawang yan ha, weirdo yang mga yan eh” singit ni Ace na nakangiti
“Ace Limmuel Sto. Tomas, Ace tawag mo saken” sabay abot ng kamay sa dalaga
“hi Nadeshicko..? wala ka bang nickname?” tanong ni Tina na nahabaan sa pangalan ng dalaga
“ay, Nad na lang po itawag nyo saken ..”
“ah, sige, ako si Britina Sanchez, Tina for short, and boyfriend ko, si Michael Delfin, kuya Mike ng barkada, mga irreg kami kaya ahead age namin sa inyo ” pakilala ni Tina sa kanila, ngumiti lang naman si Mike sa dalaga
“hello Nad, ako na sawakas ang magpapakilala, Cheska Lynn Sandoval, Cheska o Che na lang itawag mo saken” sabi ng dalaga at iniabot ang kamay kay Nad
“eto pala si Tristan Lopez, boyfriend ko” sabay turo sa katabi
nag ngitian lang ang dalawa
“ayan Nad, welcome ka na dito ha ..” singit ni Matthew
“lalo na dito sa puso ko” banat na naman ni Jake sabay haplos sa dibdib
“ang korni ng mga banat mo!” angal ni Joyce
“hayaan mo na nga lang ako ..”
“korni kasi! buti sana kung maganda, baka pumatol pa sya” nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Joyce
“tambayan hours: after lunch, at pag wala nang ginagawa sa klase, pero hindi tayo magpapagabi dito kasi may mga school work pa tayong gagawin” dagdag ni Mike sa sinabi ni Matthew kanina
“tama, kasi importante dapat satin ang pag-aaral, lalo na, graduating na tayo” singit ni Tina
“opo ate, kuya” sagot ng dalaga at nagtawanan muli sila
“ay guys, alis muna ako ha? may klase pala ako” saad ni Nad ng mapatingin sa relo
“bye Matt, salamat sa pagpapakilala saken sa kanila” paalam ni Nad kay Matthew
“wala yun, ingat, gusto mo hat--”
“hatid na kita!” prisinta ni Jake
pumayag naman agad si Nad kaya natuwa si Jake, napailing naman si Matt sa turan ng malapit na kaibigan
“oi Joyce Jade, dyan ka lang ha! padiskartehin mo naman ako bespren!” angal nito sa kaibigang babae
“oo na, hatid mo na sya, baka ma-late!” sagot ni Joyce
umalis ang dalawa, at agad namang napagdiskitahan si Joyce ng mga kasama
“uy best friend, hindi ka ba nagseselos?” tanong ni Ace
“tignan mo oh, answeet nila tignan, oozing with chemistry teh!” gatong ni Tina
“naku! nagdidilim ata paligid ah? chill lang bessy! sumasbay sayo ang panahon eh” dagdag pa ni Cheska
nagtawanan ang lahat maliban kay Joyce
“heh! ewan ko sa inyo, hindi po ako nagseselos noh!” depensa ng dalaga sa sarili
“Matt” biglang baling ni Cheska sa binatang napapangiti lang sa pang-aasar nila kay Joyce
“ha?” tugon nitong nakangiti pa
“ehem, san mo nakilala si Nad?” pang uusisa ni Cheska
“ah, natapilok kasi sya kaninang tanghali, tinulungan ko” paliwanag ng binata
“ah, sila nga yon”
“bakit?” balik na tanong ni Matthew
“wala naman, natanong ko lang”
nakabalik na si Jake, at nadatnan nyang nagtatawanan ang mga kaibigan
“ano meron?”
“wala!” agad na sagot ni Joyce
“huh? meron ka ba ngayon? bat nang-gagalaiti ka ata dyan?”
nagulat sila Cheska at Tina sa narinig na tanong ni Jake at napatingin kay Joyce
“yari ka”
“naku, lagot ka na naman Jake, takbo na!”
“anong sabi mo?!” inis na tanong ni Joyce sa kaibigan
“wa-wala po .. sa-sabi ko po, ang ganda mo bespren .. u-uy, ngingiti na yan ..” pilit pag papa kalma ni Jake sa kaibigan, ayaw kasi nito ng mga ganito kapersonal na tanong, lalo na kung galing sa lalake ..
note: hindi ko na alam kung anong i ti-title sa chapter na to.. hahaha, basta chapter 12! ;p
happy holiday Gems :)
No comments:
Post a Comment