“Matthew!!!!” sigaw ni Cheska
“bakit?” sagot naman nito
“bilisan mo! ambagal eh, malalate na tayo!” pagmamadali ng dalaga
“bat, asan na ba sila?” tanong naman ni Matthew na inaayos ang sarili
“malapit na daw, dali excited na ako!!” nakangiting sabi ni Cheska
mahigit isang bwan nang nakatira si Matthew kila Cheska
madalas padin mag bangayan ang dalawa sa mga nakaraang araw
pero hindi na tulad nung umpisa, na para silang aso’t pusa
nagkakasundo na ang dalawa sa mga bagay bagay
at higit sa lahat, ay nagkakamabutihan na din ang mga ito ..
please play this while reading the follwing
(sana sakto yung kanta sa pagbabasa :D)
“Che!!!” tuwang bati ni Joyce sa kaibigang si Cheska ng makita nya ito
“Joyce!!” sagot na bati naman ni Cheska sa kaibigan
“si Jake?” biglang hanap nya sa kaibigang lalake
“ha? ano eh ..” alangan na sagot ni Joyce at napalingon sa likod
“asan?” muling tanong ni Cheska
“kasi ..”
“ano nga?!”
“ayun oh ..” sabay turo sa malayo
nanlaki ang mata ni Cheska nang makita ang kaibigan
“Che!” bati ni Jake
hindi naman makapag salita si Cheska
“huy! hindi mo ba ako babatiin? hindi mo naman ata ako namiss eh!”
“ha?!” pagbabalik hwisyo ng dalaga
“ay, oo nga pala, gf ko .. si Syaleene, Sy for short” pakilala ni Jake sa kasamang babae
“Syaleene Himinato, half-Filipino half-Chinese, laking Pilipinas, at ka-edad namin”
“hi” tangning nasabi ni Cheska
“e ako?” patampong tanong ni Jake
“ay, Jake!!!!” biglang yakap sa kaibigan, pero hindi padin sya makapaniwala
“ay, eto nga pala si Matthew” pakilala naman ni Cheska sa kasama
“hi” bati ng tatlo
napatingin si Cheska kay Joyce
medyo naluluha naman ang mata ng dalaga
nginitian sya ni Cheska
nilapitan nya ang kaibigan at muling niyakap
“usap tayo mamaya” bulong nya sa kaibigan
tumango lang naman si Joyce at humawak sa braso ng kaibigan
diretso uwi na sila Jake at Syaleene sa mga bahay nila sa Maynila
samantalang si Joyce ay napag pagpasyahang sa bahay muna nila Cheska matutulog
“Che? sino ba sya? bf mo?” bulong ni Joyce na nasa likod ng taxi katabi si Cheska
“psst! anu ba?! mamaya ka na nga lang mag tanong pag nasa bahay na tayo!” sagot naman ni Cheska
samantala, napapangiti naman si Matthew na nasa harap sa naririnig
pagdating sa bahay ..
“Tita! Kuya Snadro! hello po, makikitira po muna ako dito ngayon” masiglang sabi ni Joyce
“sige lang, welcome ka naman dito palagi” sagot ng mama nila Cheska
“hi Joyce, asan si Jake?” tanong ni Sandro
napatingin si Joyce kay Cheska
tinignan naman ni Cheska ang kuya nya at sinenyasan
“nasa bahay na po siguro nila” malamyang sabi ni Joyce
“ah.. o tara kain na kayo” bawi ni Sandro
“ay Matt, tulungan na kita dyan” biglang baling ni Sandro kay Matthew na ipinapasok ang ibang gamit ni Joyce
“ay thank you pala ha?” sabi ni Joyce sabay ngiti kay Matthew
pagkatapos kumain ay pumunta sila Joyce at Cheska sa kwarto
walang anu anu ay bigla na lang bumuhos ang mga luha ni Joyce
nagulat si Cheska sa inakto ng kaibigan
“Jo--” naputol na sinasabi ni Cheska dahil biglang yumakap si Joyce sa kanya
“Che, ansakit! sobra.. sana di na lang nya ginawa yun, sana di na lang nya pinaramdam sakin”
“ano bang sinasabi mo Joyce?”
“si Jake”
“bakit si Jake? Joyce, hayaan mo na .. wala na eh, may girlfriend na yung tao ..”
“Che, hindi ko kaya .. hindi ganun kadali yun mga nangyari”
“ano bang nangyari?”
“madami Che, madami!!” iyak padin ni Joyce
“magsabi ka nga, ano bang nangyari nung umalis ako?”
isang lingo ng umalis si Cheska pabalik ng Maynila
tinawagan ni Jake si Joyce
“Jade” bungad Jake
“bakit Jade? anong meron?” takang tanong ni Joyce dahil pag tinatawag sya ni Jake ng “Jade” ay alam nya may pabor itong hihinhgin o kung hindi ay may problema ang kaibigan
“punta ka dito sa bahay” sagot ni Jake
“ha?” napatingin sa relo
“gabi na ah? anong problema ba?”
“basta, sunduin kita sa …”
“sige na nga”
nagkita ang dalawa at umuwi sa bahay nila Jake
“Jake, bat walang tao? asan sila tita?” kabadong tanong ni Joyce
walang sagot si Jake
“huy, sagutin mo naman ako”
“Jade, alam ko gusto mo ako”
nagulat si Joyce sa narinig, para syang kinukuryente sa mga oras na ‘yon
“and to be honest I like you too” dugtong ni Jake
hindi matignan ni Joyce si Jake, naka tungod lang ang dalaga
maya maya ay tumabi si Jake kay Joyce
“Jade, tignan mo ko” utos ng binata
lumingon naman si Joyce kay Jake
walang nagsalita
tahimik lang ang dalawa
magkatinginan sa mata
maya maya ay unti unti nang lumalapit ang mukha ni Jake kay Joyce
nagbalik hwisyo na lamang si Joyce nang matapos syang halikan ni Jake intensely
hindi namalayan ni Joyce ang mga nangyari
nagpaubaya na lang ang dalaga kay Jake
pagkalipas ng dalawang araw ..
nasa restaurant ang dalawa
“Jake, ano gusto mo?” masiglang tanong ni Joyce
“Jade” tawag ni Jake
napatingin si Joyce sa binata
kinakabahan na naman ito
“Jake, sagutin mo nga ako ..”
“ano yun?”
“ano ba tayo?”
natahimik si Jake
naghihintay naman ng sagot si Joyce
muling nag tanong ang dalaga
“ano ba tayo?”
tumingin si Jake sa kaharap
“walang ‘tayo’ Jade”
naluha si Joyce
hindi sya makapaniwala sa narinig
“ano yung nangyari nung isang gabi?”
“wala, walang nangyari”
bumuhos ang mga luha ni Joyce
wala nang pakialam ang dalaga kung sino man ang makakita sa kanyang pag-iyak
saglit pa ay tumayo si Jake at tumapat kay Joyce
“friends?” sabay alok ng kamay
hindi sumasagot si Joyce
bigla na lamang itong tumayo at umalis
kawawa naman c joyce,.,.,.,. next chapter plsss,.,.,..
ReplyDeleteWTF!! isang malaking A$$#@%3 pala c jake!!
ReplyDeleteang ganda ng ff mo whooa grabe i like it... sna po ay may next chap n demending mode hehehe
ReplyDeleteand chapter SIX nasan na!
ReplyDelete