Saturday, December 18, 2010

Chapter 4 -- Start of Something New

“ha? ay sorry, yung .. ano, ahhh .. magsalita ka! si Elmo!” sagot nya
“ha? Elmo? yung sa sesame street?” takang tanong ni Ace
nag balik hwisyo ang dalaga at nasipat ang noo “hindi! yung batang binabantayan ko, naku yari!!”
napatakbo si Cheska, palinga linga sya

humabol naman si Ace
“miss, ako pala si Ace Limmuel Sto. Tomas, Ace at your service” sabi nya habang sinusundan padin si Cheska

Ace Limmuel Sto. Tomas, photography ang hobby, matalino, gwapo, mabait, makulit .. masasabi kong ideal guy :)

napatigil naman si Cheska sa narinig
“at your service? sigurado ka?” nakakalokong tanong ng dalaga
“ha? oo .. ?” medyo nag-alangan na ng makita ang kakaibang ngiti sa labi ng dalaga
“haha! o sya sya, tulungan mo na akong mag hanap, parang niloloko ka lang kanina, natakot ka naman!” tumatawang sabi ni Cheska
“ahhh, akala ko kung ano na ipapagawa mo eh ..” sagot ni Ace

“ano ba itsura nung bata? ano yung suot?” tanong nya habang palinga linga na din
“batang lalake, naka maong shorts, tapos naka T-shirt na cookie monster yung print, Ironic noh? Elmo pangalan nya pero naka suot sya ng cookie monster?” nakangiti pang sabi ni Cheska

“wait! like that kid?” tanong ni Ace sabay turo sa isang bata
napalingon naman agad si Cheska

“Elmo!!!!” tawag ni Cheska sabay takbo kay Elmo na nasa swing

“nu ka ba namang bata ka!! di ba sabi ko dun ka lang sa seesaw?!” sermon ni Cheska
“e antagal mo po kasi ate ..” dahilan naman ng bata
“e madami po kasing bumibili” sagot ni Cheska
“wag mo nang uulitin yon ha? pano na lang kung hindi ka namin nakita? namin” napalingon si Cheska sa likod nya
nakatayo si Ace at pinapanuod sila

“ay Ace, thank you pala ha ..” biglang sabi ni Cheska
“wala yun, teka, alam mo na pangalan ko, ano naman pangalan mo?” tanong ni Ace

“ah, oo nga pala, pasensya na nakalimutan kong sabihin” umpisa ni Cheska
“Cheska Lynn Sandoval, Cheska na lang” sabay abot ng kamay

tinitignan naman ni Elmo ang dalawang naguusap sa harap nya na nag ngingitian..
“ate! asan na yung pagkain ko?” singit nya

“eto eto, sorry, nawala ka kasi eh ..” sabi ni Cheska nang mabaling ang atensyon sa bata

“ate, boyfriend mo ba sya?” tanong ng bata
nagkatinginan sila Ace at Cheska

“ui hindi ah! kakakilala lang kaya namin” tarantang sagot ni Cheska
“bat ka nagsisinungaling sa bata?” panloloko ni Ace
“oy! grabe ka .. Elmo, wag kang maniniwala dito ah?” sabay turo kay Ace
“ewan ko sa inyo te! kung mag tinginan naman kayo, paranag ..” naputol na sinasabi ni Elmo
“hep hep, ano sabi pag puno ang bibig?” sabay subo ng pagkain sa bibig ng bata at ngumiti kay Ace
napangiti din naman si Ace

“san na punta nyo?” tanong ng binata
“ha? Elmo, san mo gustong pumunta?” baling ni Cheska sa bata

“uwi na tayo te, pagod na po ako” sagot naman ni Elmo
“uwi na daw kami sabi neto” sagot ni Cheska kay Ace

“ah ganun ba? hatid ko na kayo” alok naman ni Ace
“ha?! wag na! dyan lang naman kami eh” sabay turo sa isang kanto mula sa Park
“edi hatid ko na nga kayo” pag pupumilit ng binata
“anu ba naman mga lalaking nakikilala ko, mgasyadong mapilit” bulong ni Cheska
“ano yun?” tanong ni Ace
“ah, wala wala .. o tara na” sagot ni Cheska

“ate, buhatin mo ko!” utos ni Elmo
“ano?! anlaki laki mo na, mag papabuhat ka pa?”
“ako na lang bubuhat sayo” singit ni Ace
“o si kuya na daw!” dagdag ni Cheska na walang angal sa sinabi ni Ace
lubusin na ..” sa isip isip ng dalaga


habang naglalakad ay hindi naman maalis ang tingin ni Ace kay Cheska
“kuya, baka malusaw po si ate” bulong ng batang pasan ni Ace
natawa naman si Ace sa narinig
“shhhh, wag kang maingay” sagot nito na pabulong din


malapit na sila sa bahay nila Elmo, tanaw mula dito ang bahay nila Cheska


“Matt, ilagay mo nga itong mga basura sa labas, mangongoleksyon ngayon eh ..” utos ni Nanay Salud
“opo” sagot ni Matthew sabay kuha ng mga basura


“salamat ha?” sabi ni Cheska sabay pababa kay Elmo mula sa likod ni Ace

inilalabas ni Matthew ang mga basura nang mapatingin sya sa direksyon nila Cheska

“what the hell?!” nasabi ng binata
nagulat naman sya sa naging reaksyon nya ng makita si Cheska na may kasamang ibang lalake
“ano namang paki ko?!” sagot sa sarili sabay pasok uli ng bahay
pero bago sya tuluyng pumasok ay muli pa nyang sinilip ang kinaroroonan nila Cheska

napatingin si Cheska sa bahay nila at nakitang may kapapasok lamang
hindi nya alam, pero nag-iba bigla ang aura nya
pakiramdam nya ay may nagmamasid sa kanya
ito pa naman ang pinakaayaw nya, ang pinapanuod sya

“Cheska?” tawag atensyon ni Ace
“ha? ano uli yun?” pagbabalik hwisyo ng dalaga
“sabi ko uuwi na ako” sagot naman ni Ace
“ah, ganun ba? sige, salamat uli ha?” sabi naman nya

hindi na nagtanong pa si Ace, napansin kasi nya na biglang nagbago ang mood ng dalaga, tila ito naiinis o nababalisa, kaya nag paalam na lamang sya.


alas-sais ng dumating si Aling Mayla
nadatnan nyang tulog ang apo at si Cheska naman ay nag-aayos ng mga kalat

“hija” tawag nito
“po?” sagot ng dalaga
“salamat ha?” sabay abot ng 500
“hala! anlaki naman po nito” sabay balik ng pera
“hindi na, kunin mo na yan, pasensya ka na kung masyadong makulit tong batang to” sabi naman ni Aling Mayla


umuwi si Cheska na masaya dahil may pera na sya ngayong bakasyon


“nakipag date ka daw?” bungad ni Sandro sa kapatid ng makita ito
“ano?! sinong loko loko naman ang nagsabi nyan?” gulat na tanong nya
“basta! ano? may kasama kang lalaki kanina?” pambubusisi nito
“may kasama ako! pero hindi kami nagdadate nuh!” paliwanag ni Cheska

nanlilisik naman ang mata ng isang nilalang na nasa sala

ano bang paki ko kung may ka-date sya? anong naman ngayon?!” gulong tanong ni Matthew sa sarili

“sinong may topak ba nag sabi sayo nun kuya? sasakalin ko yun eh” sabi ni Cheska
“yung may topak na yun oh!” sabay turo kay Matthew

“hoy! Impakto! anong sinasabi mo?” sabay hampas sa balikat ng binata
“ambigat naman ng kamay mo!” angal ni Matthew
“dapat lang sayo yan! kung ano anong kasinungalingan sinasabi mo!” bawi ng dalaga
“e malay ko ba kung bf mo yun! malay ko ba kung manliligaw mo?! nakita ko lang naman kayong sweet eh!” sagot naman ni Matthew
“una sa lahat, wala po akong boyfriend! at pangalawa, hindi po ako nagpapaligaw sa labas ng bahay!!! tsaka baket? pag kasama ko ba, manliligaw ko na o bf ko?! ikaw kasama kita, bf kita ganon?! manliligaw?!, isa pa ano bang pakialam mo?!” depensa ni Cheska sa sarili

huli ka, walang bf ..” sa isip isip ng binata na nagpangiti sa kanya

“ano gusto mo pa?! naka ngiti ka dyan?! sapakin kita eh!” pagbabanta padin ni Cheska
hindi na umimik si Matthew pero nakangiti padin ito

“agrh! Matthew del Rio! sana matapos na ang summer! nang makauwi ka na sa inyo!” inis na sabi ni Cheska
“hindi na ako uuwi samen!” sagot naman ni Matthew na nakangiti
“at bakit?!”
“para lagi kitang maaasar”
“ah ganun?! pwes, ako ang aalis!”
“joke lang!”
“takot ka pala eh!”
“e bahay nyo kasi to, sinong tanga naman kasi ang aalis ng sarili nilang bahay?!”
“ikaw! diba umalis ka sa inyo?!”
“pinaalis ako! hindi umalis!”
“tapos na ba kayong mag-away? kakain na tayo” singit ng mama nila Cheska

5 comments:

  1. hehehehheh nakakatawa naman cla mag-away lub ittttt

    ReplyDelete
  2. ang cute!!! next na puhleaseeeee.... ;)

    ReplyDelete
  3. hahahaa..ang kyut nito Camae dear... :)_ate mej_

    ReplyDelete
  4. WAAAAAAAAAHHH...ang cute nla nmn:D

    ReplyDelete
  5. ayiee asar na asar na c cheska...

    ReplyDelete