“kuya, sino ba yung matapobreng yun?!” nakangusong tanong ni Cheska
“shh, boss ko yun” sagot ni Sandro
“boss mo yun?! e bat andito?”
“ha, e kasi ..”
“Sandro!! halika nga dito sandali anak ..” tawag ni Nanay Salud
“si mama talaga oh, teka .. mamaya ko na lang sasabihin, o kaya bukas .. mag pahinga ka na, alam ko pagod ka, sige na” sabi ni Sandro at lumabas ng kwarto ng kapatid
nakatulog na si Cheska sa sobrang pagod dahil sa byahe
Kinabukasan ..
nakangiting gumising si Cheska
wala sa isip nya ang nangyari kahapon
pagkatayong pagkatayo ay dumiretso sya sa CR malapit sa kusina
“gising ka na pala” sabi ni Sandro habang pinapanuod ang kapatid na papunta sa CR
“opo kuya” sagot nya
binuksan ni Cheska ang pinto ng CR ..
“aaaaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!” sabay takip ng mata at tumalikod
“hoy!!!!” bawi ni Matthew sabay tapis ng twalya
“agrh!! antanga naman kasi eh!” inis na sabi ni Cheska
“sino pong tanga?!” tanong ni Matthew
“sino pa nga ba?! edi yung naligo na hindi marunong mag-lock ng pinto!” sigaw ng dalaga habang lumalakad papunta sa hapag kainan
“sus! e anong tawag mo sa nagbukas ng pinto ng CR, na may naririnig na buhos ng tubig?!” sagot naman ni Matthew na nakasunod kay Cheska
napapailing naman si Sandro sa nangyayari
“kuya! ihatid mo na nga tong boss mo sa bahay nila, este, mansion!!” umiirap na sabi ni Cheska
“pasensya ka! dahil dito ako titira sa inyo hanggang matapos ang summer!” pang-aasar ni Matthew
“ano?!!” gulat na reaksyon ni Cheska at tumingin sa kapatid
“ay, oo nga pala, yun yung sasabihin ko dapat sayo kahapon .. dito muna sya hanggang matapos ang summer, utos ng mga magulang nya, pero hindi sya boss dito, isipin mo kapatid mo din sya” sabi ni Sandro
“kapatid?! tsss, okay ka na saken kuya! hindi ko na kailangan ng kapatid, eeeeehhhhh!!” sabi ni Cheska habang tinitignan si Matthew
“oh, anong tinitingin tingin mo dyan? nagagandahan ka sa katawan ko noh?!” pang-aasar padin ni Matthew
“ang kapal talaga ng mukha mong matapobre ka! payat ka naman!” sagot ni Cheska sabay punta ng CR
“ang yabang!!!! madapa ka sana!!!!” sigaw nya pag pasok ng CR
nagtawanan naman sila Sandro at Matthew sa labas ng marinig si Cheska
“Matt, pasensya ka na sa kapatid ko ha? ganyan lang talaga yan, pero mabait naman ..” sabi ni Sandro
“she‘s one crazy girl” nakangiting bulong ni Matthew sa sarili
“Cheska! hinahanap ka ni Aling Mayla, anak ..” tawag ng mama nila
lumapit si Cheska sa pinto kung nasaan si Aling Mayla
“oh Aling Mayla? bakit po?” tanong ni Cheska
“hija, pwede mo bang bantayan si Elmo mamaya?” pakisuyo ng kapit-bahay nila
napalingon si Cheska sa kasunod na kwarto ng kanya, ang pinag ku-kwartuhan ni Matthew
“sige po! nang makalayo kahit pano dito sa bahay, may asungot kasi!” pagpayag nya
“ay! buti naman, sunduin mo na lang sya ha? mga bandang ala-una, ha hija?”
“opo, kakatok na lang po ako mamaya ..”
“bunso?” tawag ni Sandro
“po kuya?” sagot naman ni Cheska at sinilip si Sandro sa sala, pero si Matthew ang nakita nya
“hay nako! kuya, asan ka ba? impakto ang nakita ko eh ..” pag paparinig ni Cheska
“ako impakto?! ang gwapo ko namang impakto?! e anu ka naman? aswang?!” singit ni Matthew
“ang hangin mo e noh?! manahimik ka nga dyan!” bawi naman ni Cheska
“kuya?!” inis na hanap ni Cheska sa kuya nya
“anu ka ba! para kang nawawalan ng kapatid, andito ako!” boses ni Sandro galing sa kusina
“e ikaw kaya tong tinatawag ako! bakit ba kuya?” tanong ni Cheska
“samahan mo si Matthew maglibang”
“ano?! yung taong yun? lilibangin ko?! may topak ka na ba kuya?!”
“ha? bakit naman?”
“e kita mong ayaw naman sa isa‘t isa eh .. tsaka aalis ako, babantayan ko yung apo ni Aling Mayla”
“weh?”
“ay kuya! opo nga po ..”
“tsk, sige na nga .. next time ha?”
“tignan natin ..”
“Aling Mayla? Elmo? andito na po ako ..” katok ni Cheska sa kapit-bahay
bumukas ang pinto at si Elmo ang bumungad
“ate Che-Che!” bati ng bata
“hi Elmo!” bati din ni Cheska
“ate punta tayo sa Park!” agad na aya ni Elmo
malapit ang batang ito kay Cheska
si Elmo lang din ang tumatawag kay Cheska ng Che-che
“ha? sige, pero asan si Aling Mayla? si lola mo? tanong muna tayo sa kanya” sagot naman ni Cheska
“mamita!!!!” sigaw ni Elmo
“hala, mamita?! ahahahahhahaha!” sa isip isip ni Cheska
“ay! Cheska Lynn! andyan ka na pala ..” bati ni Aling Mayla
“hala, bat naman po buong pangalan ko? Cheska lang po ..” protesta naman ng dalaga
“o sya sya, aalis na ako hija, ikaw na muna mag bantay kay Elmo ha? eto pala pera, para kung ano man ang gusto nya, sige bilhin mo na ..” sabay abot ng 500 kay Cheska
“uubisin po ba to? ang spoiled naman ng batang to ..” tanong nya sa kaharap
“depende, sige ha .. alis na ako at baka mahuli pa ako .. Elmo, mag pakabait ka ha?” paalam nito sa apo
“Elmo, yan na ba talaga suot mo? o mag bibihis ka pa?” tanong sa batang kaharap
“teka lang ate, mag papalit po ako” sagot naman nito
“Cookie Monster!! me want cookies!!” sabi ni Elmo habang pababa ng hagdan
“hindi ata dapat Elmo pangalan ng batang to eh ..” bulong ni Cheska sa sarili
“o halika na Cookie Monster, este Elmo” sabay abot ng kamay sa bata
kumapit naman si Elmo sa kamay ni Cheska
pumunta sila sa Park, tulad ng gusto ni Elmo
*click* *click* *click*
- picture ng mga batang naghahabulan
- picture ng mga batang naglalaro sa slide
- picture ng mga nagbi-bike
“ano ba gusto mo?” tanong ni Cheska kay Elmo
“basta ate! gusto kong kumain, kahit ano po!” sagot ng bata
“o sige dyan ka lang ha?” sabi naman ni Cheska at iniwan si Elmo sa seesaw
“anak ng tokwa!! Elmo?! asan ka?!” hanap ni Cheska kay Elmo dahil bigla na lang itong nawala
“naku, patay ako neto kay Aling Mayla” kabadong bulong ni Cheska
“asan na ba yun? naman naman ..”
*click* *click* *click*
- picture ng isang bata sa swing
- picture ng mga batang may hawak na bulaklak
- picture ng isang babae
napatingin si Ace sa babaeng huli nyang nakuhaan ng litrato
pinapanuod lang nya ito
maya maya pa ay hindi na nakatiis si Ace at lumapit ito sa babae
tinutukan nya ito ng lens
napatingin naman ang babae sa kanya
“hay nako mister! wala ako sa mood ha, ilayo mo yang camera mo kung ayaw mong mabasag yang lens nyan” banta ni Cheska
imbis na matakot o mapikon ay napangiti pa si Ace sa sinabi ni Cheska
“anong ngini-ngiti ngiti mo dyan?” tanong ng dalaga
“sorry miss, ah.. ano palang hinahanap mo?” tanong ni Ace
“ano naman sayo?” pikon na tanong ni Cheska habang naglalakad
“tsaka pwede ba? wag mo akong sundan? kundi .. ewan ko sayo ..” banta ni Cheska
“ay, teka sorry .. wala naman akong masamang balak sayo .. gusto lang kitang tulungan, ano bang hinahanap mo?” paliwanag ni Ace
napatingin sa kanya si Cheska
“ahaaay! kaswerte ko naman ngayong summer! puro gwapo nakikita ko! may isa lang talagang panira eh!” sa isip isip ng dalaga na medyo natulala nang Makita si Ace
“miss? okay ka lang ba?” tanong ng binata
next po,..,.,. ganda ng story
ReplyDeletehaaaaaaaaayyyyyy naku.. nakakalurkey talaga ang FF mu mare.... abangerz mode kami nito eh... kaya madaliin mo yan..(hahaaa.. d nmn masyadong demanding ano?)
ReplyDeletehayss nakakaloka an ff mo an ganda nya...
ReplyDeletei lhab it camae...
ReplyDeletecookie monster..
elmo....
excited to read da next chap....