“bye Joyce, bye Jake. hintayin ko kayo sa Maynila ha? sabay- sabay tayong mag e-enroll” paalam ni Cheska sa dalawa
ihinatid nya lang kasi ang mga ito sa Cebu, at para nadin makapag bakasyon kahit dalawang lingo lang ..
“oo naman, babalik kami dun siguro mga two weeks bago enrollment, okay na ba?” tanong ni Joyce
“ingat Che” sambit ni Jake
“naman! ingat din kayo ha? Jake, ingatan mo si Joyce ha? wag mong pababayaan yan! naku, pag yan pinakawalan mo pa, ay ewan ko na lang!” parinig ni Cheska
pinanlakihan naman ito ng mata ng kaibigang si Joyce
tango lang naman ang tanging sagot ni Jake at ngiti
“Joyce Jade Galvez at Paul Jake Hynaman, mag best friends ang drama ng dalawang ito .. si babae, gusto si lalake, pero eto namang si lalake, andaming inii-spot-an na babae! hay naku! kelan nga ba tatama ang mata nitong si Jake kay Joyce? .. haaay, kwento na muna uli .. ”
nagpaalaman na sila dahil paalis na ang barkong sasayan ni Cheska
sa Barko
“naku naman, tyan .. makisama ka, wag mong iluwa ang mga kinain natin!” bulong ni Cheska sa sarili
nahihilo na si Cheska, hindi kasi sya sanay sa ganitong byahe ..
naduwal sya, at sakto namang may dumaang lalake sa harap nya
“shit!! damn ..” nasabi ng lalake sabay layo ng damit sa katawan
isa pang duwal
hiyang hiya si Cheska sa nagawa nya
“naku sorry.. hindi ko sinasadya”
“op op opss! wag ka munang lalapit, baka may after shock pa yan” sabi ng lalaki na naka ngiti
hiyang hiya man, pilit ngumiti si Cheska
“sorry talaga ha? naku, panu ba to?” natataranta si Cheska
“okay lang miss, punta ka na lang sa clinic, pahinga ka na lang dun” sambit naman nito
“hala, sorry talaga ha? tsk, pasensya talaga” napatakbo si Cheska pagkasabi nito at muling dumuwal sa dagat
“miss, punta ka na sa clinic, okay lang talaga” sabi nito na nakangiti habang tinatapik ang likod ni Cheska
“sige, pasensya na talaga .. ako na lang mag lalaba nyang damit mo, nakakahiya naman sayo, nasukahan ko” hilong sabi ni Cheska
tumawa ang lalaki
“punta ka na sa clinic, susunod ako dun” sagot nito
sumunod na si Cheska sa utos sa kanya
sa Clinic
hinahanap ni Tristan ang babaeng nagsusuka kanina
“Tristan Lopez, gwapo, mabait, sweet, maporma, maalaga at nasabi ko na ba gwapo? .. magbasa na nga lang kayo, para exciting! :)”
“ui mister!” tawag ni Cheska habang nakataas ang kamay
napangiti naman si Tristan nang makita nya si Cheska
“hi, okay ka na ba?” tanong nya sa dalaga
tango ang sagot ni Cheska habang nakangiti
“what a killer smile” bulong ni Tristan
“ha?” tanong naman ni Cheska
“wala, wala .. ah, eto pala, inumin, dinala ko para sayo” inabot ni Tristan ang dala nya para kay Cheska
ngumiti uli si Cheska at tinangap ang bigay ni Tristan
“salamat, ano nga palang pangalan mo?” tanong ng dalaga
“Tristan, Tristan Lopez” sabay abot ng kamay
“and you miss?” dugtong na tanong ni Tristan
“Cheska, Cheska Lynn Sandoval” sagot ni Cheska na nakangiti sabay abot sa kamay ni Tristan
“ang cute mo naman” wala sa isip na sabi ni Tristan
“ha?” patay malisyang tanong ni Cheska
“ano, I mean ang cute ng pangalan mo .. kasi, parang ang unique ..” palusot ng binata
“what?! what a stupid move dude!!” sermon ni Tritan sa sarili
“ah .. thank you” nakangiti pading sagot ni Cheska
“damn smile, so hypnotizing!” sa isip isip ni Tristan at napabuntong hininga
“ano kayang nangyari dito? tinopak ata” sabi ni Cheska sa sarili
“gusto mo bang kumain?” tanong ni Tristan
medyo naga-alangan ang itsura ni Cheska
“don‘t worry, my treat” dagdag ni Tristan sabay ngiti kay Cheska
“sige, sabi mo yan ha?” sagot ng dalaga
“oo naman!” sagot ni Tristan at inalalayan si Cheska patayo
“okay ka na ba talaga? hindi ka na nahihilo?”
“hindi na, okay na ako!” sagot ni Cheska
kumain sila sa canteen ng barko
nakangiti si Tristan habang pinapanuod si Cheska
“iba ka din e noh?” biglang sabi ni Tristan
“ha? bakit? ay sorry .. eto oh, kain ka din kasi! ampayat mo kaya!” sabi ng dalaga at tumawa
“sige lang, natutuwa akong panuorin ka” sagot ni Tristan
“ay, T.V ba ako? haha, wag mo akong panuorin!” hiyang sabi ni Cheska
ngumiti lang naman si Tristan at hindi na nga pinanuod si Cheska
“san nga pala ang tuloy mo? I mean san ka mag ii-stay?” tanong ng binata
“sa bahay namin, haha! ang kulit mo mag tanong e nuh?” sagot naman ni Cheska
napangiti si Tristan “oo nga naman, sa bahay nila ..”
“ano, pwede ko bang kunin number mo?” walang hiya-hiyang tanong nya sa dalaga
“ha?!” gulat na reaksyon naman ni Cheska
“ay, kung okay lang naman, syempre .. di ko naman ipipilit” paliwanag nya
“hindi, okay lang naman, medyo nagulat lang ako” nakangiting sagot ni Cheska
nagbigayan sila ng number..
buong araw magkasama ang dalawa
makalipas ang halos isang araw na byahe ay nakarating na sila sa Maynila
“keep in touch okay?” sabi ni Tristan
“sige, pero pasensya kung minsan hindi ako maka reply, wala akong load nun!” tumatawang sagot ng dalaga
“edi tatawagan kita” sagot naman ni Tristan
“spoiler ka talaga, swerte siguro ng gf mo noh?” tanong ni Cheska
“ha? gf?! hindi ko ba nasabi sayo? wala akong gf ..” sagot ng binata
“wooh! wala daw, ay naku sige na .. andyan na yung jeep, babye! text ka na lang” sabi ni Cheska sabay lapit sa jeep
“teka, teka, ikaw ba? may bf ka na?” pasigaw na tanong ni Tristan dahil sa ingay ng mga sasakyan
“wala!” pasigaw din na sagot ni Cheska na nakasakay na sa jeep
ngumiti naman si Tristan sa narinig at kumaway kay Cheska
magdidilim na ng makarating si Cheska sa kanila
“nay” bati ni Cheska na kapapasok lang ng bahay nila
“o anak! ang aga mo atang umuwi?” tanong ng mama nya
“po? anong oras na po ba?” tanong ng dalaga
“aysus! ibig kong sabihin, akala ko mag tatagal ka pa sa Cebu ..” paliwanag nito
“ah, eh .. ewan ko nga din po eh .. pahinga po muna ako ma”
“sige, gigisingin ba kita mamayang hapunan?”
“kahit wag na po muna ma, pagod po ako eh”
humiga si Cheska sa kama nya at nagsaklob ng kumot
madilim sa kwarto ng dalaga, dahil makapal ang kurtina ng bintana nito
maya maya pa ..
may gumalaw sa tabi ni Cheska, akmang yayakapin sya
“aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” tili ni Cheska at napaupo sa kama
napatakbo naman si Sandro sa kwarto ng kapatid nya
“bakit?! bakit?!” alalang tanong nya
“yan si kuya Sandro ko, mahal na mahal ko yan! kasi sobrang alaga nya kami ni nanay, kahit kelan hindi nya kami pinabayaan”
“ano ba?!” inis na sabi ni Matthew
“Matthew?!” gulat na tanong ni Sandro
dumating na din ang mama nila Cheska at Sandro
“Matthew! anong ginagawa mo sa kwarto ni Cheska?” tanong ng mama nila at binuksan ang ilaw sa kwarto ni Cheska
“sino ka?!!!” galit na tanong ni Cheska
nasipat naman ni Sandro ang noo nya
“ma, hindi mo nasabi kay bunso?” tanong ni Sandro sa mama nila
“naku, oo nga pala .. e bat ka kasi andito Matthew?! sa kabila ang kwarto mo ..” sabi ni Nanay Salud
tumayo na si Matthew at humarap kay Cheska
“ma! sino to?!!” naguguluhang tanong ng dalaga
“ako na mag papaliwanag ma .. Matt, punta ka na sa kwarto mo” singit ni Sandro
lumabas ng kwarto so Matthew at pumunta sa kabila
“hoy! kapal mo! sorry ha?!!” sarkastikong sabi ni Cheska
wala namang reaksyon si Matthew, bagkus tumuloy na lang ito sa pag lalakad
i love the story!! nae-excite na ako sa mga susunod pang mangyayari!!
ReplyDeletengayun palang sobrang abangerz na ako dito!! hehehe!!
thanks for sharing another wonderful FF to us ;)