“sorry, may dinaanan lang kami sandali” paliwanag ni Matt
“okay lang, so, alis na ako” sagot ni Jake
“bat, ambilis mo? ano ba sadya mo kanina bat ka napunta dito?” tanong ni Joyce
tumayo na si Jake at naglakad papuntang pinto
nakamasid naman si Joyce kay Jake na naghihintay padin ng sagot
bago makalabas ng pinto ay lumingon uli si Jake at sumagot
“hinintay lang kita makarating dito” sabay talikod para pumunta sa kotseng dala
napailing habang nakangiti si Matthew sa tinuran ng malapit na kaibigan
maging si Cheska napangiti sa sinabi ni Jake
napalingon si Joyce na medyo nailang sa dalawa na agad naman nagtago ng mga ngiti nila
“Joyce, Chen, alis na din ako” saad ni Matthew
“ha? ayaw mo na bang maghapunan dito?” tanong ni Cheska
medyo nahiya si Matthew sa tanong ni Cheska, madalas man sya sa bahay ng dalaga dati, pero bihira sya alukin nitong maghapunan sa naturang bahay simula ng aging nobyo nito si Tristan
“oo nga Matt, dito ka na kumain” gatong ni Joyce
napapayag nila si Matt na doon na kumain
“Mateo, antagal na kitang hindi nakitang dumalaw dito ah?” saad ng mama ni Cheska
“ay, opo tita, pasensya na po .. busy po kasi sa school ngayong finals” sagot ng binata
“baka may chix ka na ha?!” singit ni Sandro
“wala po kuya, walang wala” makahulugang sagot ni Matt
“dalasan mo na uli dalaw mo dito pag bakasyon ha?” sabi naman ng mama nila Cheska
“sige po tita” sagot ni Matthew sabay tingin kay Cheska na tahimik na kumakain
pagkatapos kumain ay nagpaalam na si Matthew na uuwi na sya
“Jo, ano pinagusapan nyo ni Matt?” agad na tanong ni Cheska nang makaalis ang binata
“secret! haha, basta .. naiintindihan kasi namin ang isa‘t isa .. wag kang mag-alala, maiintindihan mo din kami, hindi pa lang siguro ngayon” sagot ni Joyce na nakangiti
napaisip si Cheska sa tinuran ng kaibigan
“naiintindihan ang isa‘t isa, sila na kaya?” tanong ng dalaga sa sarili
after one month
“hay sawakas! last day na ng finals exam, pwede na tayo mag partey partey after!” saad ni Ace
“uy guys, next month birthday ni Mike ah” sabi naman ni Tina
“punta kayo sa bahay ha? party tayo” dagdag ni Mike
“wow kuya Mike, for the first time makakapunta na din kami sa bahay nyo!” saad ni Joyce
“oo nga kuya, teka saan pala kayo nakatira?” tanong naman ni Nad
“ipapasundo ko na lang kayo, san nyo ba gusto magkita kita?” tanong ni Mike
“wow! ipapasundo? mayaman sila kuya Mike!” singit ni Jake
“ay oo nga pala kuya, kapit bahay nyo sila Matt diba?” singit naman ni Cheska
“yup, alam mo nga pala bahay nila noh?”
“opo, ako na lang magdadala sa kanila dun”
“wag na Chen! pasundo na lang tayo” singit ni Ace
“para ma feel natin yung yaman nila!” dagdag ni Tristan
“o ayan na, si bf na ang nagsalita ..” hirit ni Jake
“sige na nga, kayo na bahala” sagot naman ni Cheska
“ayan! pasundo kami kuya ha?” dagdag ni Nad
“okay, no prob!” sagot ni Mike
“guys, speaking of Matt, asan sya?” hanap ni Joyce sa binata
“uyyy, nakakahalata na ako ha?” hirit ni Tristan
“wala noh! hinahanap ko lang, ikaw naman ..” depensa naman ng dalaga sa sarili
nagtawanan ang lahat, dalawang nilalang na naman ang pilit na magmukhang masaya
After two weeks
“party party!!” bigkas ni Ace nang makababa sa sasakyan sa harap ng bahay nila Mike
“wuist, wag tayong masyadong magulo ha? nakakahiya sa pamilya ni kuya Mike” saad ni Joyce
“oo nga, nakakahiya, wow ang laki ng bahay nila” sabi naman ni Nad na napapanganga sa nakikita habang papasok sa bahay nila Mike
“hun okay ka lang?” tanong ni Tristan sa nobya
napatingin kasi ito sa bahay nila Matthew
“hmm? oo okay lang ako, sorry hun ..” tugon nito
“guys! andito na pala kayo!” bati ni Mike sa mga kaibigang kadarating lang
“dadating na din sila Matthew tsaka ate nya maya maya lang” dagdag nya at pinaupo ang mga kaibigan
“kuya Mike, ang yayaman ata ng mga bisita mo ..” bulong ni Joyce habang nakatingin sa ibang bisita
natawa ang binata “bisita sila nila mommy tsaka daddy para sa birthday ko, actually, kayo lang ang bisita ko, tsaka yung ate ni Matt” sagot nito sa dalaga
“ahhhh..” sabay sabay na reaksyon nilang lahat
“uy kain na kayo” aya naman ni Tina
maya maya pa ay dumating na sila Matt at Lizeth
“hi Mike! happy birthday” agad bati ni Lizeth sa kaibigan
“hi Liz.. thanks” sabay beso sa dalaga
“hi Tina! long time no see huh?” bati ni Lizeth sa dalaga
“oo nga eh, ay by the way .. mga friends namin” sabay lapit sa barkada nila
“hey, Che!” bungad ni Lizeth ng makita ang dalaga
“hi ate Liz” bati din naman ni Cheska
“hoy Mateo, bat hindi mo sinabing nandito si Cheska?” bulong ni Lizeth sa kapatid
“ha? bat kailangan kong sabihin?” tanong naman ni Matt sa ate nya
“hello! gustong gusto ko kaya sya!” sabay lapit kay Cheska at yumakap
nagulat ang lahat sa ginawa ni Lizeth at pinanuod lang silang dalawa
“Liz?” tawag atensyon ni Mike
“hmm?” tugon naman ni Lizeth
“may mga kasama pa kasi kayo” sagot nya sa dalaga
napatingin naman si Lizeth sa paligid
“ay sorry! hi, ako si Lizeth Ann del Rio, Lizeth or Liz for short, ate ako ni Matt, nice to meet you all, and your names are?” bati nya sa mga kaharap
“Joyce po”
“Jake” akmang itinaas ang kamay
“Nad po”
“Ace po ako”
“Tristan po”
pakilala nilang lahat
ilang oras pa ang lumipas at nagsasayawan na silang lahat, nagkakantahan at nagiinuman
“oist! may napansin ako, asan sila Jake tsaka Nad?” medyo may tama nang tanong ni Ace
“huh? oo nga noh hay, san na kaya sila?” pansin din ni Joyce
“hun? may tama ka na ata ah?” tanong ni Cheska sa nobyo
“hmm? hindi naman ..” sabay halik sa dalaga
“tsk! Tris!” sabay layo
“ano ba naman Che! halik lang!” inis na sabi nito
“wag mo syang masaktan, makikita mo ang impyerno, sinasabi ko sayo” sa isip isip ni Matt na nakamasid
“Tris, yaan mo na si Cheska, wag ka kasing duma-moves pag lasing pre” sabay hatak sa binata ni Mike
“thank you kuya Mike” bigkas ni Cheska
“Chen, san tayo matutulog?” bulong ni Joyce sa kaibigan
“di ko alam eh, lasing na tong si Tris, di na makaka-drive to, pinadala pa kasi yung kotse nya eh, nakakainis” sagot ni Cheska sabay tingin sa binata
“Cheska?” tawag ni Lizeth
“po ate?”
“sa bahay na lang kayo matulog nila Joyce tsaka Tina”
“ate sure ka?” singit ni Joyce
“sure na sure!” sagot ni Lizeth
napangiti si Matt sa narinig na turan ng ate nya, pero hindi sya nagpahalata
nag-aalangan naman si Cheska
naiisip nya na baka magkakaron ng gulo sa kanila ni Tristan dahil sa pag tulog nya sa bahay nila Matt
“hun, okay lang ba na kila ate Lizeth kami matulog?” tanong ni Cheska sa binata
napasimangot si Tristan sa narinig
at tinignan ang dalaga na may mga nanlilisik na mga mata
“hun, kung ayaw mo, okay lang naman .. uuwi na lang ako”
“ihahatid kita” sagot ng binata
“Tris, wag ka na magdrive, baka anong mangyari sa inyo ni Chen” singit ni Mike
“oo nga Tris, wag kang mag-alala, ako mag babantay kay Chen” paninigurado din ni Tina
walang nagawa ang binata kundi ang pumayag, pero bakas padin ang pagkainis nito
lumalim na ang gabi, nag uwian na ang mga bisita ni Mike
umuwi na din sila Lizeth kasama sila Cheska, Joyce at Tina sa bahay nila
ilang minuto din bago sumunod si Matt
bagsak naman sa sofa sila Ace at Tristan sa bahay nila Mike
sa kalagitnaan ng pagtulog naalimpungatan si Tristan at bumangon
nakita nyang tulog na ang mga kasamang sila Ace at Mike
inalala nya kung nasaan si Cheska
napasimangot na naman sya at napag pasyahang umuwi na lang
2 months after
note: 2 months after, means yan na yung present sa chapter 1..
paki hintay na lang po ang posting bukas..
naeexcite ako.. comment po ha?.. hehe
salamat! :)
excited na me sa present,.,.,.,. sana may next chapter na
ReplyDeletetuloy mo lng ah....ganda ganda ng story ...I think nangyari to sa totoong buhay...pati ung una mong gnawa inabangan ko tlaga sya...very interesting!!!!keep up the good work gurl..2nd year din ako....
ReplyDeletegnda tlga ng story
ReplyDeletenext chap po plz(demanding mode)
waaaa pwedeng humirit today na lang po :))=))
ReplyDeleteOMG!! magkaka-alaman na! matagal ko ng gusto malaman kung cno ang nag-aaway nung umpisa & bawat chapter kung sino2 na naisip ko!! hahaha!! iniintay ko din when nila sasabihin yung mga lines nila sa teaser... can't wait for tomorrow!!
ReplyDelete