Thursday, December 16, 2010

Chapter 1 -- Moment of Truth -- Today's History

Present

“traydor ka!!” sabay suntok sa kaharap
“tama na!” sigaw ng isang babaeng naiiyak
“mga traydor kayo!!”

“pare! tama na!” awat ng isang kaibigan nila
“nagtiwala ako sayo pre, nagkamali ako, hindi pala dapat!”
“pare, hindi ko naman sinasadya eh”

“gago ka pala eh! hindi sinasadya?!”
“pare, sorry ..”
“tarantado! sa tingin mo ba mababawi pa ng sorry mo ‘tong nangyayaring to?!”
“alam ko hindi na, pero please ..”
“ano?! hayop ka talaga! sa dinami dami ng babae sa mundo pre, sa dinami dami ng babae na napasayo, bakit yung girl friend ko pa?! bakit sya pa, sa lahat lahat naman! sya pa ang nabuntis mo?!” isa pang suntok ang pinakawalan, naiyak na ang lalake
napahiga ang isa pang lalake
nagtakbuhan papalapit sa dalawa ang mga kaibigan nila


sabi nila ‘some thing‘s aren‘t meant to be‘ siguro nga tama sila, pero sana totoo din yung sinasabi nilang ‘thing’s will fall into place eventually’ as nakikita nyo ngayon, complicated na ang lahat .. ako nga pala si Cheska Lynn Sandoval, 19 years old, 4th year college, simple lang ang pamumuhay, walang luho, at sakto lang ang mga materyal na bagay .. nakatira ako sa hindi kalakihang bahay kasama ng nanay at kuya ko .. asan ang tatay ko? hindi ko na alam eh, iniwan nya kasi kami nung maliit pa ako, ni hindi ko na din matandaan ang itsura nya .. ayoko na ding tanungin sila nanay at kuya tungkol kay tatay, alam ko kasing masasaktan lang si nanay, at si kuya naman, galit padin kay tatay. teka, teka iba dapat ang ikinukwento ko sa inyo eh .. ikukwento ko kung saan nagumpisa ang lahat ng kaguluhang ito ..


Flash back

Summer before 2nd year college

“Matthew!! for the hundredth time! ano bang gusto mong bata ka? lagi mong tinatakasan mga personal guards mo, don‘t you know that they‘re loosing their jobs because of you?!” sermon ng mommy nya

nakikita nyo naman, hindi ako mabait na bata noon, hindi kasi ako mapakali sa isang lugar lang, ayoko ng summer na nga lang, pinag aaral padin ako, and the worst is about business pa .. kaya hayun, takas dito, takas dun .. ipinapakilala pa ako sa mga kung kani-kaninong anak na babae, and man I hate it! I was stubborn I can admit that, and actually torpe din ako, I confess, why did I just say that? .. here‘s the story .. wait I forgot, I‘m Charles Matthew del Rio, 19 years old, a 4th year college student, my family owns a company kaya pinag aaral din ako ng tungkol sa business, I live in a mansion with my parents, a sister and all the luxury anyone could ask, but one thing I still want to have, friendship and love that I‘ve been searching for a long time .. maybe it‘s not right to search for it, maybe I just have to wait till it comes to me..


“this is the last straw son! we need to do something para mag bago ka na ..” sabi ng daddy ni Matthew
“what dad? you gonna send me to a military school?” nakangiti pang sabi ni Matthew
“wipe that smile off your face, that‘s not what we mean .. we know what you‘re capable of, alam naming kayang kaya mong tumakas sa school na yon, pero what we are about to put you on .. I don‘t know kung makakaalis ka pa .. we don‘t even know kung mabubuhay ka pa ba dun, tulad ng pamumuhay mo dito ngayon ..” pang hahamon ng daddy nya

nagtaka si Matthew sa sabi ng daddy nya, maya maya pa ay nasalita ang mommy nya
“Anak, meet Sandro, your new personal guard ..” pakilala ng mommy nya
“huh, as if he‘s different with the rest of the guards na na-fired ko ..” sagot ni Matthew habang nakatingin kay Sandro

ngumiti naman ang mga magulang nya
napapasimangot na si Matthew, hindi nya maintindihan ang mga nangyayari
biglang kumatok ang isa sa mga kasambahay nila

“ma‘am, sir, handa na po ang mga gamit ni senorito” sabi ni Krista
“gamit?! are you gonna drop me in a deserted island or something?!” gulat at kabadong tanong ni Matthew
nagtawanan naman ang mga magulang nya

“I should have readied my camera, that reaction was priceless!” tumatawang sabi ng daddy nya
“yeah! me too! I didn‘t expect that reaction from him! over ka!” tumatawang sagot ni Mrs. del Rio

napapangiti naman sila Krista at Sandro sa nangyayari
naaasar na si Matthew, pero hindi padin sya sinasagot ng mga magulang

“so? let‘s go!” aya ng mommy nya
biglang pumasok si Lizeth sa office ng daddy nila kung saan sila nag uusap usap

“am I late?! did you tell him already?!” hingal na tanong ng ate ni Matthew na si Lizeth

that‘s Lizeth. my older sister, a year older than me to be exact .. yeah we‘re close, but sometimes we also fight .. I guess that‘s just the thing between brothers and sisters, we don‘t get along much .. anyway, back to the story ..

“what are you all talking about?!” pikon na tanong ni Matthew
“yes! you haven’t told him yet, can I come?” tanong ni Lizeth
“sure sure! and this time, I‘ll ready my camera!” sagot ni Mr. del Rio na nakangiti
“what‘s happening?!” inis na tanong na naman ni Matthew
pero walang sumasagot sa kanya ..

“let‘s go son!” aya ni Mrs. del Rio
walang nagawa si Matthew kundi ang sumunod
sumakay sila sa van

nasa harap si Sandro
masama naman ang tingin ni Matthew dito

where are we going? why is he in front and telling instructions to mang Robert?” tanong nya sa sarili

“ma‘am, sir, andito na po tayo ..” sabi ni Sandro
“asan tayo?” tanong ni Matthew na palingon lingon pagka-baba ng sasakyan

wala pading sumasagot sa tanong nya
pumasok sila sa isang bahay

what‘s this place?” tanong ni Matthew sa sarili

pinaupo si Matthew sa sala kasama sila Lizeth at Sandro
samantalang sila Mr. at Mrs. del Rio ay nakipagusap sa mama ni Sandro

tinitignan ni Matthew ang bahay habang nakaupo sya sa sofa
maya maya pa ay lumabas na ang mga magulang nila

“okay, so everything is settled!” sabi ng mama nila Matthew
“what‘s happening?” tanong nito
“wait wait! camera first” sabi ni Lizeth sabay tutok ng cellphone kay Matthew
“what the hell are you doing?!” tanong nya sa kapatid
“don‘t mind me, just listen to mom” sagot naman ni Lizeth
humarap si Matthew kay Mrs. del Rio

“son” umpisa nito
kinakabahan na si Matthew
“spill it already mom!” pikon na sabi nito
“you‘ll live here for the rest of the summer vacation” sabi ng mommy nya
nanlaki ang mata ni Matthew, halatang shocked sa narinig
“what?!! but.. summer won‘t end for two more months! it just started?! mom?!” gulat na reaksyon nya
“hindi ka senyorito dito, hindi ka mag-uutos sa kanila, ituturing ka nilang kapamilya, and unfortunately for you .. ang ibig nilang sabihin sa kapamilya ay, gagawa ka ng mga gawaing bahay, lahat ng iuutos nila sayo gagawin mo, and so on ..” sabi ni Mr. del Rio
lalong nanlaki ang mga mata ni Matthew
“what the?!!” gulong gulo si Matthew sa mga nangyayari
nakangiti naman ang lahat ng nasa paligid nya ..

“magiging kapatid pala kita eh! kuya mo ko ha? sawakas! may kapatid na din akong lalake!” sabi ni Sandro sabay akbay kay Matthew
“ha?! pa, ma, ate?! seryoso po kayo?” tanong nya
“nope!” sagot ni Lizeth
isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Matthew
“great, that was a great joke” sabi nya at akmang lumayo kay Sandro
“teka teka, mali ang pag kakaintindi mo, ang ibig kong sabihin, hindi kami ang pamilya mo nagyon .. sila, kaya magpakabait ka ha?” dagdag ni Lizeth
“what?! seyoso talaga kayo? pero bakit?!” gulong gulo na si Matthew

“hindi ka talaga nakikinig samin noh? diba, sabi namin didisiplinahin ka namin? here it is ..” sagot ni Mrs. del Rio
“but ..” pagdadahilan ni Matthew, pero wala syang mairason sa mga magulang
“we‘ll cut off your credit card for the mean time, kukunin din namin ang susi ng kotse mo, no hi-tech gadgets for the rest of the summer, and lastly you can‘t go back sa mansion .. respect them son, they‘re your family now .. okay? bye .. I love you son, take care” sabi ni Mrs. del Rio at lumakad sila papunta sa pinto
napako naman si Matthew sa kinatatayuan nya

“no, no this is just a dream .. this can‘t be happening ..” bulong ni Matthew

bigla syang inakbayan ni Sandro na ikinagulat nya
“lalim ng iniisip mo ah? wag kang mag-alala, mabilis lang ang two months!” sabi nito sabay lakad palayo kay Matthew
“hijo! halika dito, dito ka mag ka-kwarto ..” sabi ng nanay ni Sandro

sumunod na lang si Matthew na walang imik ..

1 comment:

  1. OMG!! sino kaya ang mga lalaking nagsusuntukan?? at sino din ang nabuntis??

    this is so exciting!!

    i like the story!!

    ReplyDelete