nasa tindahan na si Mattina, habang si Matthew ay minamatsagan sya sa di kalayuan
“okay na siguro dito, papanuorin ko na lang sya .. kaso ayaw ni Cheska na pinapanuod sya .. teka, ano bang sinasabi ko, hindi naman sya si Cheska eh, sige papanuorin ko na lang sya” sa isip isip ni Matthew na nakapag pangiti sa kanya
nakita ni Matthew na nakasimangot na ngayon ang dalaga at palinga linga
“damn, just like Cheska” bulong ni Matthew habang tinitignan padin si Mattina
paalis na sana ang dalaga ng biglang may dumating na isang lasing
“hi miss!” bati nito kay Mattina sabay kindat
sumimangot lang ang dalaga
napasimangot din si Matthew sa nakita
“shit, get out of there baby” “eff! don’t call her baby, she‘s not Cheska dude” “but still I care for her” nagtatalong saad ni Matt sa sarili
iniwan ni Mattina ang lasing at naglakad na pa-uwi
“good girl” bulong ni Matt
napangiti sya sa mga tinuran nya
“para akong baliw!” sita nya sa sarili
pauwi na din sana si Matt nang makita nya ang lasing na biglang sumunod kay Mattina
agad syang kinabahan at sumunod din sa tinungo ng mga ito
“aaaaahhhh! ano ba?! tulong! bitawan mo ko!” narinig ni Matthew
lakad takbo na ang ginagawa nya, makita lang agad ang tinungo ng dalawa
“hoy!” sigaw ni Matthew ng makita ang lasing na minomolestya si Mattina
“tulong!!” sigaw naman ng dalaga habang nagpupumiglas
lumapit si Matthew at agad sinuntok ang lasing
lumaban padin ang lasing kaya nasuntok nito si Matt
natatakot na si Mattina nang ..
“musta ka na? upo ka pala oh”
“well, as a friend of course, nothing more, nothing less .. why?”
“I miss you Che, a lot”
“ay grabe na miss ko to!” saad ni Joyce
“hindi ko alam, close pala sila Nad tsaka Tristan? alam nyo ba?” kakaibang tono ng pananalita ni Joyce
“Tris I‘m pregnant, two months” maliwanag na sabi ni Nad na nakayuko
“yes, you‘re the father of this child” sagot ni Nad na pinipilit pigilan ang iyak
“traydor ka!!” biglang sugod ni Jake sabay suntok kay Tristan
“tama na!” sigaw ni Nad na naiiyak
“mga traydor kayo!!” muling sigaw ni Jake
“gago ka Tris, wag mo kong matawag tawag na ‘hun’ dahil simula ngayon, wala nang tayo! gusto ko lang marinig ang explanation nyo”
“Chen!” sabay na tawag nila Matt at Ace sa dalaga
“aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!” sobrang lakas ng sigaw ni Mattina, mabilis ang pasok ng mga imahe sa isip nya, malakas din ang mga boses na naririnig nya
napalakad sya sa gitna ng kalsada habang hawak ang ulo nya na tila sasabog na
natigilan si Matthew at ang lasing
habang nakay Mattina ang attension ng binata ay dali dali syang itinulak ng lasing dahilan para mapaupo sya at kumaripas naman ng takbo ang lasing
*beep! beep!*
*beep beep beep!*
ilaw ng sasakyan
boses ng binata
ingay mula sa kotse
mga mukhang nakikita nya
boses ng mga tao sa isip nya
ito ang huling kaganapang naaalala nya
“Tristan? asan na si Matt?” hanap ni Ace sa kaibigan
“hindi ko nga alam eh, kanina pa yun umalis .. tsk” sagot nito
“tawagan mo ..”
“sige eto na ..”
bago pa ma-dial ni Tristan ang number ni Matthew ay nakita nyang tumatawag ito
“eto na pala eh”
“hello Matt? asan ka na pare?” bungad ni Tristan
“ano?! bakit ka nandyan?!” malakas na saad ni Tristan
napatingin sa kanya ang mga kaibigan nila
“oo alam ko dyan, sige sige, pupunta na kami.. loko ka, binibiro lang kita na baka mapaway ka, tsk! andyan na!” sagot nito at tinapos na ang tawag
“pare, anong nangyari?” tanong ni Mike na kinakabahan
“si Matt, nasa ospital” sagot nito na hindi na alam ang gagawin
“bakit?!” tanong ni Joyce
“napa away eh” sagot nito
“anak ng .. talaga yun oh, malala?” tanong ni Jake
“hindi, okay lang sya” sagot ng binata
“e bat nandun sya?” tanong ni Tina
“yung babae, yung kamukha ni Cheska ..”
“ano?!” sabay sabay nilang tanong
“nasa ospital daw.. punta na tayo .. tsk”
“anong kinalaman nya kay Matt?” tanong ni Nad
“dun na daw sya magpapaliwanag, tara na” sagot ni Tristan
pumunta na silang lahat sa ospital
sa entrance pa lang, nakita na nila si Matthew
“Matthew!, anong katarantaduhan na naman ginawa mo pre?!” bungad ni Jake
“para sabihin ko sayo, tinulungan ko po yung babae” depensa naman ni Matt sa sarili na nakangiti
“ano ba talaga nangyari Matt?” tanong ni Nad
“napa away ako dahil sa kanya eh, may lasing kasing minamanyak sya. tapos sya naman, muntik masagasaan ng kotse, ayun hinimatay” paliwanag ni Matt
“hala! may pasa ka!” pansin ni Joyce
“okay ka lang ba?” tanong ni Tina
“sabi ko sayo reresbak kami eh, dapat tumawag ka agad sa amin” singit ni Tristan
“kailangan mo lang ata ng sundo, pinapunta mo pa kaming lahat dito” pang-asar ni Mike
“ayaw nyo bang makita yung kamukha ni Che?” tanong ni Matt
“sabagay, tara, gusto ko syang makita” saad ni Ace
“Mr. del Rio, gising na po yung kasama nyo ..” saad ng nurse
“ah salamat ..” sagot ni Matthew
nasa E.R si Mattina ng mga oras na yon
dumaan pa saglit si Matt sa cashier kaya naunang pumunta ang iba sa E.R
“hi” bati ni Joyce sa dalagang nakaupo sa kama
ngumiti lang ito sa kanila
pawang mga nakatingin lang silang lahat sa dalaga
dumating si Matthew
agad kumabog ang dibdib ni Mattina
maging si Matthew ay tila nagulat sa naramdaman, pero binaliwala nya ito at lumapit sa dalaga
“hi miss, mmm, kung naaalala mo, kami yung nasa mall nun? naaalala mo ba kami?” tanong ni Matt
tumango lang si Mattina at ngumiti
“naaalala mo ba kung bakit ka nandito sa ospital?” tanong muli ni Matthew
muli, tango lang ang sagot ni Mattina
“okay na pala yung bayad dito sa ospital .. kung gusto mo nang umuwi ihahatid ka na lang namin”
ngumiti lang si Mattina
“pwede na ba tayong umuwi?” tanong ng dalaga
“okay ka na ba?” alalang tanong ni Tina
ngumiti uli si Mattina at sumagot “opo”
“okay, so .. tara na” aya ni Matthew
“Tris, anong dala nyong sasakyan?” tanong ni Matthew
“yung van” sagot nito sa kaibigan
hinatid nila si Mattina sa bahay nila
tahimik lang ang dalaga sa buong byahe nila at tinuturo lang ang daan papunta sa bahay nila
pagtapat sa bahay nila ay nagbabaan silang lahat para mag paalam sa dalaga
“bye miss” paalam ni Matt
“ako nga pala si Mattina Hidalgo” pakilala nya sa sarili
“bye Mattina” paalam ni Joyce
nakangiti lang si Mattina sa kanila
“Mattina!” narinig nilang tawag ng ginang
“anak anong nangyari sayo? bat ang tagal mo?” dugtong na tanong nito
“okay lang po ako mama, may nangyari lang po kanina, tinulungan po nya ako” sabay turo kay Matt
“tapos hinatid po nila akong lahat dito” dagdag ng dalaga
“salamat ha?” saad ng ginang
“wala po yun” sagot ni Mike
“sige po, mauna na po kami” saad naman ni Tristan
“sige, salamat uli ha?” saad ng ginang
..ate cam next na puh,..laluh akuh naeexcite eh..mamats nga pala..^_^
ReplyDelete