Monday, January 3, 2011

Chapter 23

Writer's Comment:

kayo na siguro ang pinaka H na readers ng mga FF.. grabe, waley akong masabi sa inyo..
isang chapter lang.. ang pageview.. nalampasan sa pang dalawahan.. saludo ako sa inyo!! haha


napasimangot na naman si Mattina
bahala na nga! susungitan ko na lang to!” saad sa sarili ng dalaga

nakalapit na si Ace sa kanila
“ano bang gusto nyo?” masungit na tanong ni Mattina
para syang si Chen magtaray” naisip nilang lahat
“ah, miss, pasensya ka na sa kaibigan namin ha?” hatak naman ni Nad kay Ace
“teka lang Nad!” saad naman ni Ace at pilit kumawala sa pagkakahawak ni Nad
“Ace, ano ba, wag dito” saway naman ni Joyce
“tsk, ayaw nyo bang malaman ang totoo, Joyce?!” medyo asar na sagot ni Ace sa dalaga
Nad, Joyce, Ace, narinig ko na yung mga pangalan nila ..” sa isip isip naman ni Mattina
“ano bang gusto nyong malaman?” napatingin sya kay Matthew na matiim na tinitignan sya
aaminin nya, kumabog ang dibdib nya ng makita ang mga mata ng binata
“kasi ..” umpisa ni Ace
“hay nako! kung hindi mo didiretsuhin, aalis na lang kami!” pagbabanta nya
“Miss wait lang, hindi ko kasi alam kung pano ipapaliwanag sayo ..” dugtong nya
“ano ba yun?” tanong ni Mattina at tumingin na uli kay Ace
“kasi, wait ..” sabay talikod
“Matt, akina yung picture ni Cheska” hiram ni Ace
Cheska? kilala nila yung Cheska, sino ba yun?” tanong ni Mattina sa sarili

muling humarap si Ace sa dalaga
kinakabahan na silang lahat
now or never
“miss, kamukha mo kasi tong kaibigan namin” sabay pakita sa larawan ni Cheska
nagulat si Mattina sa nakita
ako ba yan? hindi, hindi ko maalala yang picture na yan .. pero ..
“ngayon? kamukha ko sya? kamukha ko lang naman di ba?” pagtataray ng dalaga pero kinakabahan sya
ako ba yun? sino ba talaga sila? naguguluhan na ako

“tapos na ba kayo magtanong?” tanong ng dalaga sa mga kaharap
“Ace, tara na .. Miss sorry ha .. akala kasi namin.. ikaw yung kaibigan namin” saad ni Mike
“sorry sa abala” dagdag naman ni Ace na medyo masama ang loob
“sige wala yon” para syang pinanghinaan sa narinig na hindi nya maintindihan kung bakit

“Miss?” saad ni Joyce na naluluha
“ha? bakit?” tugon naman nya
“sorry ha, pero pwede bang payakap? please?” umaagos ang mga luha ni Joyce
parang pinitik ang dibdib ni Mattina sa nakita at pumayag na yakapin ng dalaga

pinipigilan nilang lahat ang umiyak
ang iba sa kanila ay tumatalikod na lang habang nakayakap si Joyce kay Mattina
iba ang pakiramdam ni Mattina sa yakap ni Joyce, parang matagal na nyang kilala ang dalaga
parang matagal na din nyang kilala ang yakap nito

“Thank you Miss ha?” at bumitaw sa dalaga
“kamukha mo talaga kasi yung kaibigan namin” paliwanag ni Joyce na nagpupunas ng luha
gumaan ang pakiramdam nya matapos yakapin si Mattina
pareho talaga sila ni Chen” sa isip isip n dalaga
“asan na ba yung kaibigan nyo?” tanong ni Mattina
ano ka ba! kita mo na ngang umiiyak sila, yun pa naisip mong itanong! malamang wala na!
“wala na kasi eh .. mahigit 4 years na” sagot ni Joyce
mahigit 4years? yun din yung bilang ng taon na .. hindi baka nagkataon lang, pero ..
“ah ganun ba? o sige, alis na kami ha?” paalam ni Mattina, nababagabag na sya ngayon

“babye po!” sabay kaway ni Charlynn sa mga kausap ng mama nya kanina
napatingin ang magbabarkada sa bata
napangiti sila sa nakitang ngiti nito

“bye” sabay kaway nilang paalam sa bata

“Mattina, okay ka lang ba?” tanong ni Arlo
“ha? oo, okay lang ako, pero ..”
“pero ano?”
“wala, wala, hayaan mo na lang”


lumipas ang isang bwan ..

halos araw araw may nakikita si Mattina na mga imahe ng mga tao
pero malabo padin ito para sa kanya, tanging mga tinig lang ang maliwanag sa kanyang pandinig

“Ma?” tawag ni Mattina sa ginang
“anak, bakit?” tugon naman nito
“kasi po .. sasabihin ko na ..
“bakit?”
“kasi po, lagi akong may nakikitang ..”
“nakikitang ano anak? naku, wag naman sana multo ..” biro ng ginang
“si mama talaga, hindi po yun .. may nakikita po ako sa isip ko na mga images pero malabo padin po eh, diba po sinabi ko na sa inyo to noon?”
“oo, hanggang ngayon ba meron padin?”
“opo, lalong lumala nung kinausap ako nung mga magkakaibigan”
“sinong magkakaibigan anak?”
“kasi po nung nanuod po kami ng fireworks display last month, may magkakaibigan po sa mall na sumusunod sa akin”
“ay Dios ko po”
“teka lang ma, wag excited” nakatawang saad ng dalaga
“o ituloy mo na”
“tapos nung tapos na yung show, lumapit uli sila sakin”
nakikinig lang naman ang mama nya
“tapos may pinakita po silang picture ng babae”
“sino yun?”
“kamukha ko ma! actually, parang ako nga po yun eh ..”
“hala”
“tsaka ..”
“tsaka ano? ano pa bang sabi nila?”
“wala na daw po yung kaibigan nila na yun, 4 years na daw po mahigit”
“e diba? ..”
“yun nga din po iniisip ko ma eh .. 4 years na din po nung nawala ako”
“di kaya?”
“hindi ko po alam mama, pero kung ako man po yung kaibigan nila na yun ..”
“anong balak mo?”
“hindi ko po alam, kung ako po yun, hindi ko po alam kung pano haharap sa kanila”
“isa pa, hindi mo sila matandaan diba?”
“oo nga po eh, tsaka .. ayoko din po silang paasahin”
“paasahin saan?”
“baka mag expect po sila, na .. ewan ko ma!”
“expect saan anak? alam mo Mattina, wala akong alam sa nakaraan mo .. pero tinangap ka namin ng papa mo, kahit ano ka pa nung dumating ka sa buhay namin. hindi kami nag expect ng kung ano sayo, ituring mo lang kami bilang magulang mo, okay na samin yun, ang mahalaga iginagalang mo kami at minahal na para mong tunay na magulang. ang point ko anak, kung ano ka man ngayon, at sa tingin nila ikaw nga ang hinahanap nilang kaibigan nila, magagawa ka nilang tanggapin. at kung hindi man, nandito lang kami palagi para sayo” saad ng mama nya
“salamat po mama, sana bumalik na alaala ko para masagot na lahat ng tanong ko” sagot ng dalaga at yumakap sa ina


hindi ipinagbigay alam ng magkakaibigan sa mama ni Cheska ang nakita nila nung nakaraang bwan
ayaw nilang umasa ito, dahil sa mga sarili nila ay lubos na silang umaasa


“o si Matt na ang pipili kung san tayo pupunta ngayon” anunsyo ni Mike
“ako?” napaisip si Matthew
“wag na lang siguro ako, baka ayaw nyong pumunta dun” saad ng binata

kada weekend kasi ay nagkikita kita sila para mag out of town upang makapamasyal, at ngayon, si Matt ang pipili ng lugar na pupuntahan nila

“san mo ba gustong pumunta?” tanong ni Nad
“sa .. ”
“saan? ..”
“dun sa  .. pinag birthday-an ni Dianne” mahina nyang sagot habang nakatungod
“Matt” umpisa ni Mike
“alam ko kuya, pero hindi nyo ako masisisi kung bakit dun ko gustong pumunta.. gusto ko lang makita yung mukha ng babaeng minahal ko noon at patuloy na minamahal ngayon .. kahit alam kong hindi sya yun ..”

“bat ka nag da-drama dyan, wala namang tumangi sa gusto mo ah? wala naman kaming sinabi na hindi pwede dun? alam mo Matt, kung ako tatanungin, gusto ko din dun .. pero syempre mag eenjoy padin tayo dun, mamamasyal tayo, hindi ang paghahanap sa kanya ang priority natin dun, kundi ang mag enjoy. okay? kung makita man natin sya dun, bonus na lang yun.. ha? malinaw ba Matt?” paliwanag ni Mike
nakita naman ni Matt na naka ngiti ang mga kaibigan nya kaya sumigla na din sya

nasunod ang gusto ni Matthew ..
dahil tanghali na sila nakarating duon ay napagpasyahan na din nilang duon matulog, tutal may bahay naman duon sila Tristan at bukas nalang ng umaga umuwi pabalik ng Maynila..

Alas-7 ng gabi ..

“Stan! labas lang ako ha? may bibilhin lang saglit” paalam ni Matt kay Tristan
“kailangan mo ba ng kasama tol? hindi mo kabisado dito ..” saad naman ni Tristan
“hindi, okay lang .. kaya ko na, para makapag libot na din saglit, magpahangin” sagot nito
“emo ka na naman! sige ingat ka dyan, tawag ka na lang pag may problema, reresbak kami” pang-asar nito sa kaibigan
“sira! hindi ako emo! sige sige, pag napasubo, tatawag ako” sagot din nitong pabiro

“yun lang po ba mama? wala na po?” tanong ni Mattina sa mama nya
“oo anak, ingat ka dyan sa labas, pasensya ka na at wala na talaga akong mautusang bumili”
“okay lang po ma, para naman pong napaka big deal nito .. sige po, babalik din ako agad” saad nya sa ginang at umalis na, medyo malayo din kasi ang tindahan sa bahay nila

“sya yun!” saad ni Matthew ng makita si Mattina na naglalakad sa di kalayuan
lalapit ba ako? wala naman akong masamang balak sa kanya, kaya ko ba? grrr!!” nagtatalong konsensya ng binata


Writer's Comment:

waaaaaaahhhhh!! last na bukas.. gulong.. kinakabahan ako.. haha 
grabe, ang haba nung last chapter, pang tatlong chap ang haba! :p

sana magustuhan nyo ending.. ngarag na ako nung ginawa ko.. lol, aayusin ko na nga lang, nakakahiya naman.. hehe 

comment po! :)

tunay na mga H kayo! H as in Hadik!! hahaha lol :D

sorry kung boring tong 23.. ahehe :P

tsaka yung last na nag comment pala sa 22?..
yung nagtatanong kung gagawa uli ako ng ff after neto ..

hmm, ewan ko po eh.. pag may naisip ako uling maisusulat.. try ko :D

9 comments:

  1. Waaaah pwedeng humirit gawing 3 parts na lang ang ending at ilabas na ang first part today tapos bukas na yung last two parts? Kung pwede lang naman hehehehe(:bop: para sa kakulitan ko). Naeexcite ako ano ang mangyayari kina Matt at Mattina/Cheska babalik kaya ang memory ni Cheska/Mattina dahil sa pagkikita nila at magkikita ba talaga sila? Waaaah excited na ako sa ending two thumbs up po para sa inyo :)
    -Blae

    ReplyDelete
  2. tnx for this chapter..


    excited na akong mbasa ang ending,!! :)))

    ReplyDelete
  3. Nakalimutan ko idagdag nanatouch ako sa scene ni Joyce at Mattina/Cheska:)
    -Blae

    ReplyDelete
  4. salamat po at sana masundan agad itech

    ReplyDelete
  5. nakakaiyak yung kay joyce at chen...^^.. next chapter po... haha.. bukas na nga di pa makapag-intay ..hehe.. :D

    galing talaga ni ate :))

    ReplyDelete
  6. naiyak talaga ako sa part na pagyakap ni joyce kay mattina, mararamdaman mo talaga ang tindi ng emosyon....

    agree rin ako kay Blae na sana gawing 3 part ang ending at ilabas ang 1st part today!! whaaaa!!!

    kakaexcite na talaga ang ending nito!!

    ReplyDelete
  7. kaloka mng un ending na plss!!

    ReplyDelete
  8. waaaahhhh!! ang galing mambitin! grabeh (ivan mode)

    nakisabay sa luha ni joyce ang luha ko!! :mecry:

    hindi naman boring ah... bawat sentence nga parang kinakabahan ako... it's like i'm hoping for something more to happen na parang ayoko pa matapos yung story..... waaaahhhhh!! kaabang-abang talaga ang finale tom!!

    hands down to you!!

    ReplyDelete
  9. grabe naman sis pde ba pahabain pa 2??ang ganda ng story..

    ReplyDelete