nabosesan nilang lahat nagsalita
lahat sila nilingon ang dalaga
lahat sila pinanindigan ng balahibo sa nakita
lahat sila natameme
agad pinagilidan ng luha si Joyce sa nakita
maging sila Nad at Tina ay hindi nakapagpigil
napatingin si Mattina sa mga nakatingin sa kanilang mag-ina
napasimangot lang sya
pero ilan sa kanila ay tila namukhaan nya
hindi na lamang nya pinansin ang mga ito
pero ang naka agaw ng kanyang pansin ay ang lalaking kanina pa sila pinapanuod
tinignan nya ito mula ulo hanggang paa
kumabog ang dibdib nya, pero muli, binaliwala nya ito
“Miss thank you ha” saad nya sa babae sa customer service
“you‘re welcome ma‘am, baby wag ka na uli hihiwalay kila mama mo ha?” saad ng dalaga sa bata
“opo” sagot naman ng inosenteng bata
“mommy mommy” tawag pansin ni Dianne sa ina nya
“bakit baby?” balik hwisyo ni Nad sa tawag ng anak
“mommy sya po yung tumulong sakin kanina” saad ng bata
narinig nilang lahat yon
maging ni Mattina, kaya nilingon nya ang bata pero nginitian nya lamang ito
inaya na ni Mattina si Arlo na magpatuloy sa pamamasyal
wala pading natatauhan sa magbabarkada
nakakita ba sila ng multo?
“Cheska!” sigaw ni Joyce
natigilan si Mattina sa paglalakad
pamilyar sa kanya ang pangalan na tinawag maging ang boses ng tumawag
muli binaliwala nya iyon at nagpatuloy maglakad
kinabahan sila Tristan at Nad, pero gustong gusto na nila makita ang dalaga, wala na silang pake kung galit padin ito sa kanila
“Cheska Lynn” bulong ni Ace
“Chen” naiiyak na saad naman ni Jake
“sya ba yon?” tanong ni Mike na natutulala padin
napatingin si Tina kay Matt
“Matt?” tawag atensyon nya sa binatang nakatulala na lamang
napatingin din ang iba sa binata
“Matt!!” pilit nilang binabalik ang hwisyo nito
*PAK!*
sinampal na sya ni Nad
“ha?!” natauhan na sya sawakas
“Matt, nakita mo?” tanong ni Tristan
tango lang ang sagot ng binata
“pano mo nalaman na.. I mean, bat mo naisip pumunta dito?” tanong ni Mike
“kasi, nung may nangyari samin ni Cheska, inisip na namin kung ano ipapangalan sa magiging anak namin”
“sorry pare ha” baling nya kay Tristan
“magpaliwanag ka lang dyan!” sagot naman nito na naghihintay sa paliwanag ng binata
“tapos, umisip sya ng pangalan ng para sa babae, yun nga yung nabuong pangalan .. Charlynn Maeka” paliwanag nyang natutulala
Flashback
“Mrs, babae po ang anak nyo” saad ng nurse matapos iluwal ni Mattina ang bata
ngumiti sya at nawalan ng malay
iyak ng sangol ang nagpagising sa kanya habang nasa private room
“ma?” hanap ni Mattina sa mama nya
“anak, baby mo oh” saad ng mama nya
napangiti si Mattina at naiyak ng makita nya ang anak
“anong ipapangalan natin sa kanya bunso?” tanong ng ate Carol nya
“Charlynn Maeka” sagot nya habang buhat ang anak
“huh? san mo naman nakuha yung pangalan na yun?” tanong na papa nya
“hindi ko po alam pa, pero yun kasi unang pumasok sa isip ko, parang matagal ko pong pinaghandaan yung pangalan nya? hindi ko po alam eh” sagot ng dalaga
“ah, edi sige, Charlynn Maeka ipapangalan natin sa kanya” sagot ng mama nya
“sa tingin nyo si Cheska nga yon?” tanong ni Nad
kibit balikat muna sila, pero malaki na ang pag-asang pinanghahawakan nila ngayon .. na buhay nga ang dalaga
“e sino yung lalakeng kasama nya?” pansin naman ni Jake
“ha? lalake?” napatingin sa kanya si Matt
“oo, hindi mo ba nakita?” muli nyang tanong
“hindi ko nakita!” sagot nyang pabalag sa kaibigan
“Matt, chill .. ayaw nating gumawa ng eksena dito sa mall” pagpapakalma ni Ace sa kaibigan
“sorry, pero may kasama sya?” tanong muli nito
“oo, nakita ko din yun, sumama nga si Charlynn dun eh” sagot ni Joyce
“teka teka, bat ganun? kung si Cheska nga sya, bakit hindi nya tayo pinansin?” tanong ni Tristan
tinignan sila ng dalaga, pero hindi nya kilala ang mga ito
“habulin natin!” saad naman ni Ace
nagkatinginan silang lahat at biglang nagtakbuhan sa tinungong daan nila Mattina kanina
buti na lang at hindi pa nakakalayo sila Mattina kaya agad silang nakita ng mga ito
“Miss! Miss!” tawag ni Mike
“Cheska!” tawag naman ni Tina
natigilan si Mattina sa pagtingin ng mga damit, at napatingin sa pinangalingan ng tawag
sinimangutan nya ang mga ito at muling inaya sila Arlo at Len sa ibang lugar
“Miss teka lang” sabay hawak sa braso ng dalaga si Ace
nagulat si Mattina
“Matt, I love you, we both know that pero ..”
“I LOVE YOU CHESKA LYNN”
“hi, ako nga pala si Nadeshicko Crisban.. ay Nad na lang po iatawag nyo sa akin”
“antagal nyo pre!”
“wala po kuya, walang wala”
“hun, kung ayaw mo, okay lang naman .. uuwi na lang ako”
“ahh” daing ni Mattina at napahawak sa ulo, inalis nya ang pagkakakapit ni Ace sa braso nya
“Arlo halika na” biglang aya ni Mattina at agad lumakad
nakatingin si Arlo sa magbabarkada
“Mattina! teka lang” sabay habol sa dalaga
naiwan na naman silang nakatayo
tahimik na naman sila
“pare, Mattina daw” saad ni Tristan na tila nawalan ng pag-asa
“hindi, si Cheska yun eh, alam ko sya un ..” saad ni Matthew
“e pare, iba yung pangalang itinawag sa kanya eh, tsaka hindi nya tayo pinapansin, parang hindi nya talaga tayo kilala” dagdag ni Jake
“basta alam ko sya si Cheska, sya yun!” pilit ni Matthew
napabuntong hininga sila
ipinipilit din nila sa mga sarili nila na si Cheska nga ang nakita nila
pero pangalan pa lang ng dalaga, iba na
at higit sa lahat, hindi sila kilala nito kaya nawawalan din sila ng pag-asa
itinuloy nila ang paglalakad, pero lahat sila ngayon ay gulung-gulo na
“Matt, 9 na, manunuod ba tayo ng show?” tanong ni Joyce
tahimik silang lahat
“Tita Joyce, gusto ko po manuod!” singit ni Dianne
napatingin sila sa bata
“sige, tara na ..” tugon naman ni Matthew
lumabas sila at nag umpisa na nga ang fireworks display
“Happy Birthday Baby” saad ni Tristan sa anak
“Thank you Daddy!” tugon naman ng bata
binati din sya ng iba pa
kahit papaano ay nakalimutan nila ang nakita kanina
hindi sinasadya napatingin si Matthew sa di kalayuan at nakita nya muli si Mattina
tumungo na lang ang binata, mahirap sa kanya na makita ang mukha ng babaeng mahal nya
hindi nya alam kung ito nga ba ang dalaga
naguguluhan sya dahil parehong pareho sila ng babaeng minahal nya mahigit apat na taon na ang nakaraan, pero binabagabag sya ng katotohanan na maaaring wala na nga ang dalaga
“Matt? hindi ka ba nag enjoy?” pansin ni Tina sa kanya
“ha? nag-enjoy ako” sagot nya at pilit ngumiti
tipid namang ngumiti si Tina at napansin din si Mattina sa hindi kalayuan
“okay lang yan, baka kamukha nya lang talaga” saad nito at niyakap ang kaibigan
“Cheska, ikaw ba yan?” naluluhang saad ni Tina sa sarili habang nakatingin sa dalaga
napatingin si Mattina sa gawi nila Matthew, at nakita nyang nakayakap si Tina dito
hindi nya mawari pero parang kinurot ang puso nya sa nakita
nag taka sya sa sarili dahil ito naman ang unang beses na nakita nya ang naturang binata
“Mattina, san nyo na gustong pumunta?” tanong ni Arlo
“Miss!” tawag na naman ni Ace sa kanya habang papalapit
nagulat silang lahat sa ginawa ni Ace at napasunod sa binata
nakalimutan kong mag Writer's Comment..
ReplyDeletehaha, aun.. malapit nang matapos.. hanggang chapter 24 na lang.. ibubuhos ko na lahat dun.. kaya expect it na medyo mahaba, compare sa ibang chapters.. kaso, hindi ko pa naisusulat.. bop bop sakin.. XD
sa Tuesday na ang ending, kasi Jaevon day din yun..
sana nag enjoy kayo sa FF ko :D
awwww.,,.,. malapit na and ending,.,.,.
ReplyDeleteenjoy na enjoy ako sa ff mo...thanks sa pag share ng talent mo... gawa ka pa ng ibang ff..
ReplyDeletetuesday na pala ang ending...
ReplyDeletetagal naman ng tuesday!!!! sana tuesday na ngayon!!
grabe super over na po ito ate camae.. nakakloka talaga!! uhbers!! super uhber grabe..
ReplyDelete--> yan lng kaya sabihin
gosh so excited sa end ng story..........so cute tlga ng FF n to..........
ReplyDeletePag natapos u po ito gagawa ka pa po ba ng bago?
ReplyDeleteWaaaah Ate Camae nakalimutan ko mag comment kahapon pero sinabi ko na naman yung sasabihin ko sa PEX eh sorry. Pero you know na addict talaga ako sa FF na ito pero sa chapter na ito na excite talaga ako hehehehe
ReplyDelete-Blae