Flashback
*tok tok tok*
“tita?! kuya Sandro?!” tawag ni Matt sa labas
“andyan na!” sagot sa likod ng pinto
si Sandro ang nagbukas ng pinto
“o Matt” bati nya sa binata
“napadalaw .. ka-yo?” nang makita nya ang iba pa sa likod ng binata
“kuya? si tita? kailangan namin kayo kausapin sa salas” sagot ni Matt
“ha? bakit? teka, tatawagin ko, pasok kayo”
bago pa man sila makapasok lahat ay tumalikod na si Sandro para tawagin ang mama nya
“oh, napadalaw kayong lahat?” tanong ni Nanay Salud
“may kasama pa po kami” anunsyo ni Mike
“ha? e bat hindi nyo papasukin?” tanong nito sa binata
“pasok na kayo!!” tawag ni Tristan sa labas
nagulat si Sandro sa nakita
“Ch-Cheska?” natutulalang saad ni Sandro
“kuya!” takbo sabay yakap sa kapatid
niyakap lang ni Sandro ng mahigpit ang kapatid, hindi sya makapaniwala sa nangyayari
“Mama” tawag ni Cheska sa mama nya at lumapit dito
“anak ..” mangiyak ngiyak na saad nito
“mama, sorry po kung tumakbo ako nun, nagka amnesia po ako kaya hindi ako nakabalik agad, sorry mama” saad nyang umiiyak sa ina
“Sandro, sinong dumating?” tanong ng isang lalake
napatingin si Cheska dito, hindi ito pamilyar sa kanya
“papa, si Cheska po”
“papa?” tanong ni Cheska na naguguluhan
“Che.. si Papa”
lumapit ang ama nya sa kanya at niyakap sya ng mahigpit
“papa, akala ko po hindi nyo na kami babalikan nila mama” umiiyak na namang saad nya
“sorry anak kung iniwan ko kayo nun, hindi ko kasi kayang humarap sa inyo na wala man lang akong maipambubuhay .. nung bumalik ako, saka ka naman nawala, akala ko hindi na kita makikita”
“sorry po papa” tanging sagot nya
“nak, sino tong batang ito?” pansin ng mama nya kay Charlynn
“ma, pa, kuya Sandro .. anak ko po, si Charlynn Maeka, anak po namin ni Matt, 4years old na po sya” saad ng dalaga
“ibig mong sabihin nung nawala ka, buntis ka sa kanya?” tanong ng mama nya
“opo ma, sorry po”
“anong sorry!? e buti nga at may apo na ako!” nakangiting saad nya at nilapitan ang apo
“hala, si Miss Writer, kapos sa Flashback .. eto muna”
“mama, papa, ate Carol salamat po sa lahat lahat, sa pag tanggap nyo samin ni Charlynn, sa pag-aalaga samin, sa pag mamahal na ibinigay nyo. pwede pa po ba akong bumalik dito, para dalawin kayo?” tanong ng dalaga, dahil sasama na sila ni Charlynn kila Matthew pabalik ng Maynila
“oo naman anak, wag mo kaming kakalimutang dalawin dito ha?” sagot ng papa nya
“salamat po papa, ma .. thank you po sa lahat” sabay yakap sa ginang
“salamat din sayo anak .. mag ingat kayo ha?”
“opo mama, ate, salamat ha? gusto mo ipakilala kita sa kuya ko?” bulong nito sa kapatid
“sira ka talaga, pero gwapo ba?” bulong din nya sa kapatid
nagtawanan sila at nagyakap ..
saglit lang ay umalis na din sila Cheska kasama sila Matthew
sa van
“kinakabahan ako .. kamusta na kaya sila mama at kuya?” tanong ni Cheska sa mga kasama
“sigurado magugulat sila, pati ikaw” sagot ni Jake
“huh? bakit naman pati ako?” tanong nya sa tinuran ng kaibigan
“basta .. ayan na, malapit na tayo”
“ang kulit ni Miss Writer e noh? hanep mambitin.. eto muna dapat ..”
gabi nang ihinatid nila si Mattina sa bahay ng mga Hidalgo
“ma, teka lang po ..” bulong ng dalaga sa mama nya
pasakay na ang magkakaibigan ng biglang magsalita uli si Mattina
“iiwan nyo na lang ba ako dito Joyce, Jake, Ace? para naman hindi tayo best friends nyan eh”
“hindi ba kayo mag so-sorry Nad at Tristan? ako kasi mag so-sorry sana”
“hindi nyo ba ako na miss ate Tina at kuya Mike? kasi kayo sobrang na miss ko”
“at ikaw Charles Matthew del Rio, wala ka bang ibang sasabihin? ako sana kasi meron”
“ako si Mattina Hidalgo, pero mas kilala nyo ako bilang si Cheska Lynn Sandoval”
“sorry ha? hindi ko agad sinabi sa inyo, kanina lang kasi bumalik yung alaala ko. nagka amnesia ako, kaya hindi ko kayo nakilala nung nasa mall tayo. sorry kung tumakbo ako nung araw na nagkakagulo tayo, sorry kung iniwan ko kayo, sorry kung hindi ako nakabalik, sorry sa lahat ng sakit na naibigay ko sa inyo, sorry .. hindi ko sinasadya lahat ng nangyari” naiyak si Cheska
nakatalikod pa ang mga ito ng nagsasalita si Cheska
lahat sila nagulat sa narinig
nang makitang umiiyak ito ay nagunahan sila sa pagyakap sa dalaga
“Cheska, sorry!” saad ni Nad na umiiyak
“Bess” tanging nasabi ni Joyce na nakayakap sa kaibigan habang umiiyak
“Che, wag mo nang uulitin yon ha? sobrang namiss kita” umiiyak na sabi ni Tina
“Chen, akala ko .. wala na yung best friend ko” nasabi ni Ace at agad na lang yumakap sa dalaga
“baby bud! akala namin iniwan mo na talaga kami” maluha luhang saad ni Mike
“Che!! salamat sa Dios ..” naiiyak na saad ni Jake sabay buhat sa kaibigan
“Chen, sorry .. sorry sa nagawa ko nun, sorry, dahil sakin umalis ka” agad yumakap si Tristan sa dalaga
bumitaw sila sa dalaga at nagtinginan kay Matt
“ikaw talaga yan?” tanong ni Matt na umiiyak habang nakatingin lang sa dalaga
“akala ko inwan mo na talaga ako, akala ko hindi na kita makikita uli, akala ko wala na yung Cheska Lynn ko” mangiyak ngiyak na saad ni Matt na tila may sama ng loob
lumapit si Cheska kay Matt at niyakap ng mahigpit ang binata
“pwes nagkakamali ka ng akala Matt, hindi ako papayag na hindi ka makita uli, at lalong hindi kita iniwan, hindi ko lang sinasadya na hindi makabalik agad” saad ni Cheska habang nakayakap dito
matagal din sila sa ganung posisyon
ikaw ba naman, mawala ang taong pinaka mamahal mo, at makita mo uli sya paglakipas ng mahabang panahon, bibitawan mo ba agad sya?.. hindi diba?
“mommy?” tawag attension ni Charlynn ng makita ang mama nya
“nak, halika dito” tawag ni Cheska sa anak habang nagpupunas ng luha
lumapit si Charlynn sa mama nya
“anak, si papa mo” pakilala ni Cheska sa kaharap na binata
napatingin si Matthew kay Cheska sa narinig na turan nito
ngumiti si Cheska
agad namang yumakap si Charlynn sa ama na walang pag-aalinlangan
pagkatapos ipakilala ni Cheska si Charlynn kay Matthew ..
narinig nila si Ace na biglang humagulgol
“problema mo?” tanong ni Tristan sa kaibigan
“e kasi! may anak sila, wala na talaga akong pag-asa kay Cheska!” sagot nito na nagpupunas ng luha
“sira ulo ka talaga Ace!” natatawang saad ni Cheska
“matagal ka nang walang pag-asa!” pang-aasar ni Matt at agad nyang kinabig palapit sa kanya si Cheska
“alam ko naman yun eh .. nag bakasakali lang” nakangiting sagot ni Ace
“na miss ko talaga kayo!” saad ni Cheska na nakangiti
“matagal ko nang gustong sabihin to eh .. Group hug!!” anunsyo ni Jake
nagyakapan silang lahat, ngayon buo na talaga ang barkada ..
“Hi! Ako si Charlynn Maeka Sandoval del Rio, 15 years old na ako ngayon. asan sila mama at papa? hayun, nasa ibang bansa na naman, nag ho-honey moon ulit! joke lang! haha. roler coaster ride ang kwento ng love story nila noh? puro twist and turns, will history repeat itself kaya sakin? .. hmmm
tinatanong nyo kung pano nag propose si papa kay mama? .. kayo na mag-imagine, kasi ako.. nakornihan ako! haha :) bye na, andito na si Dianne!”
-END-
-na talaga-
“friendship is the best thing you could offer to someone, you choose the right people to be with, you respect and trust them with your life .. yes you fight with them sometimes, but always, at the end of the day you‘ll return to them .. hug them as if nothing happened, laugh with them as if nothing matters, and love them as if there is no more tomorrow .. something as precious as friendship, is bound to last forever.”
“love is forgiveness .. it is natural -- it happens, when you least expect it .. it knows no boundary, it knows no limit .. it is about respecting someone, it is about trust .. it is something to feel and learn by yourself, not something to be taught and forced .. love is pure, love is eternal .. if you love and fail, never regret, because loving someone, is not a wrong thing .. it is a language not to be spoken; an emotion to be shown .. it is a word good to hear, but better to feel”
Writer’s Speech
yeah, speech, hindi comment .. ahaha, okay lang ba yung ending? .. gumulong ako, parang ampangit.. hahaha, sorry ha?.. e kasi naman, waley na akong maisip, pero pangarap kong ganyanin ako.. LOL just kidding.. anyway, salamat sa mga nagbasa ng FanFic ko, salamat sa time na sinayang nyo para dito(hahaha), salamat sa paghihintay ng next chapters.. pasensya na kung lagi ko kayong binibitin na pati hanggang ending e bitin padin.. haha, salamat sa overwhelming comments nyo .. salamat sa support, kung hindi talaga kayo nagandahan nung una, hindi ko na sana itutuloy .. :p
ayun, maraming salamat sa inyo!
love ko kayong lahat.. yii :D
post your comments below please..
last post na to, kaya kung pwede mag comment na kayong lahat.. as in, kayong lahat na nagbabasa.. gulong XD salamat! :kiss:
pag may naisip akong bagong isusulat.. gagawa uli ako.. sana ganito padin support nyo.. yii.. salamat uli! :) :*
OT: naluha ako nung sinusulat ko yung part na bumalik na yung memory nya.. wahaha, ewan ko.. feel na feel ko lang.. wahaha
Live.Laugh.Love.Respect = Good Vibes
Happy New year!